Mahal, Alam mo Ba

1.1K 15 1
                                    

(This one is for two people )

1 and 2 : Mahal, alam mo ba

1 : Alam mo bang mahal pa 'rin kita

Mahal pa 'rin kita kahit nagbago ka na

Mahal parin kita kahit may mahal ka ng iba

2 : Minahal kita

Hindi ko sinasadyang saktan ka

Nagsinungaling upang 'di mo na'ko iyakan pa

Minahal kita

Pero ang tibok ng puso ko ngayon ay para na sa iba

1 and 2 : Mahal, alam mo ba

1 :  Alam mo bang sobrang sakit pa 'rin

Sobrang sakit kasi mahal pa 'rin kita 

Lalo na't alam kong masaya ka na sa piling niya

Ba't ganyan ka, akala ko ba may pag-asa pa?

2 : Pasensya ka na

Sarili ko'y 'di ko rin maintindihan

'Di ko maintindihan kung bakit sa pag-ibig mo ako'y nasasakal

Minahal mo ' kong tunay kahit alam mong hindi tayo ang itinadhana ng May Kapal

1 and 2 : Mahal, alam mo ba

1 : Naniwala ako sa sinabi mong 'di mo pa kayang magmahal muli

Mga kasinungalingan mo ang pumawi sa 'king mga ngiti

Ngayon, pagbabalik mo'y hindi na minimithi

2 : Pasensya ka na pero ayoko na talaga

Ayoko na kasi hindi ko na kaya

Ayoko na kasi nakakapagod na

Sa piling mo'y 'di na ako masaya

1 and 2 : Mahal, alam mo ba 

1 : Alam mong hindi ako nagkulang

Mahal, lahat sayo'y ibinigay

Simpleng mundo mo'y binigyan ko ng kulay

Minahal kita ng sobra pero siguro panahon na

2 : Panahon na para kalimutan natin ang isa't-isa

Nakakapagod din palang umunawa

Umunawa sa paulit-ulit na bangayan nating dalawa

Minahal kita pero ako'y pagod na

1 and 2 :  Alam mo ba  

1 : Nakakapagod din palang umiyak

Nakakapagod din palang umasa

Nakakapagod din palang lumaban ng mag-isa

Kaya ngayon, malaya ka na

2 : Teka lang

'Wag ka munang sumuko

Nagkamali ako mahal ko

'Di dapat ako nagpadala sa tukso

Sasabihin ko sana'y paniwalaan mo

Ika'y nag-iisa sa aking puso

1 : Tama na

Siguro hanggang dito nalang

Siguro kailangan ko na ngang palayain ka

Siguro nga kailangan ko naring maging masaya

1 and 2 : Siguro kailangan ko nang tanggapin kasa ayaw mo na


(Plagiarism is a crime)

(All Rights Reserved)




BROKEN - Spoken Word Poetry Collection (English and Tagalog )On viuen les histories. Descobreix ara