Tunay na Kagandahan

581 7 0
                                    

Ano ba talaga ang basehan ng tunay na kagandahan?

Ang kulay at kinis ba ng kutis? Ang pula at hugis ng labi? O ang haba at liit ng braso't binti?

Nabubuhay tayo sa mundong puno ng mapanghusga't mapanlinlang

Nabubuhay tayo sa mundo kung saan mga maganda ang nakalalamang

Pero kapatid, 'wag kang mawalan ng pag-asa at tiwala sa kapwa

Tandaan mo, hindi nababase sa ganda ang tunay mong halaga

'Wag mong hayaang sa iyong buhay kasamaan ay magdikta

Ang mundo ay hindi perpekto, pero mararamdaman mong buo ito kapag kasama mo ang tamang tao

Sino ba ika mo?

Mga kaibigan mong tunay at pamilya mong tapat, makasama mo lang sila, yun lang ay sapat

Ang tunay na ganda ay wala sa itsura at hubog ng katawan

Ang tunay na ganda ay makikita sa busilak mong kalooban


(Plagiarism is a crime)

(All Rights Reserved)













BROKEN - Spoken Word Poetry Collection (English and Tagalog )Where stories live. Discover now