three years later. a month before the breakup

247 26 77
                                    

IMPORTANT NOTE:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

IMPORTANT NOTE:

NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.

--------------------------

(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option, altho baka 'di niyo na po kailanganin at less than 1k naman po siya)

--------------------------

I remember a dream of snow

It's difficult to see you

Like a piece of glass in a puddle of water that froze

Kent, Din Skugga

-------------------------- 

Hindi alam ni Alaric kung kelan nga ba talaga nagsimula. O kung hanggang kelan niya iisiping okay lang talaga sila ni Arika. Siya naman ang nanligaw. 

It didn't matter that Arika was very different when she's sober. Hindi niya ito makausap sa kahit na anong personal or deep na bagay. She was closed-off.

Lagi lang nakatingin sa kanya ang dalaga habang nagkwekwento siya ng kung ano. Always observing. Calculating. Kulang na lang sabihin nito kung ano ba ang sa tingin nito ay mali sa kanya.

Minsan, naisipan niyang tanungin ang nobya kung bakit.

Nakahiga silang dalawa sa couch ng araw na iyon. Nanonood sila ng show na sabi ng nobya ay nakita nito sa mga palabas sa TV ng pinag-stay-an nitong apartment nang bumaba ito sa Pangasinan para makipagkita sa isang client. Web developer ang dalaga at minsan kailangan nitong makipagkita nang personal sa mga kliyente nito para mas magkaintindihan sila sa tinatagawag nitong 'specifications'.

Isang American sitcom titled, The Odd Couple, ang pinapanood nila kung saan tatawa ka kahit hindi nakakatawa dahil lang may tumatawa.

Inayos nito ang paghiga at tinignan siya, "It comes with the job. Kailangan ko talagang maging lowkey lang."

Nakakabuntong hininga ang sinabi nito kaya bumuntong hininga siya. Kumuha siya ng isang piraso ng Piattos at nagsalita. "Pero, boyfriend mo ako, babe. Bakit pati ako kasama sa mga taong hindi mo pag-she-share-an ng personal na mga bagay? You know almost everything about me."

She sat down and her next reply changed everything, "Look, babe. Makikilala mo rin ako along the way and I've been as open as I can be. Huwag mo na lang isipin. Huwag kang masyadong sensitive, okay?"

Huwag kang masyadong sensitive.

Naalala niya ang mga araw na lumalagi siya sa rooftop sa tuwing hapong hapo na siya sa kakabisita sa mga pasyente niya. Palagi siyang tambay sa rooftop at doon siya umiiyak dahil sa stress, sa relief, o sa tuwa. Iyakin kung iyakin, siya lang naman ang nandoon.

Pero ayun na nga, masyado raw siyang sensitive.

Hanggang dito ba naman maririnig niya ang mga salitang iyan.

Para iyong gatilyo at pumutok na ang baril.

That day, he started letting her go. Ngunit mukhang hindi niya naman kailangang gawin.

 Ngunit mukhang hindi niya naman kailangang gawin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLISHED AS PART OF THE ILYWAMHAK ANTHOLOGY ]Where stories live. Discover now