the week of the breakup

226 19 204
                                    

IMPORTANT NOTE:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IMPORTANT NOTE:

NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.

--------------------------  

(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option. medyo long chapter ahead po. Will update the banners later and pattern according sa new cover. Thanks in advance for reading!)

--------------------------

It was going to be a cool night

It was going to a lonely night

But I wouldn't have changed anything

Even if I had known that this would be

Kent, Den Sista Sången

--------------------------

Ni minsan hindi nagsalita si Arika habang sinasabi niya ang rason kung bakit gusto na niyang makipaghiwalay. Katulad ng dati, nakatingin lang ang dalaga sa kanya. Calculating.

Hindi niya alam kung bakit nga ba sila tumagal ng tatlong taon. Palagi namang ganyan ang dalaga. Palaging parang siya lang ang nag-e-effort. Palagi naman.

Ngayon, nasabi na niya ang kung ano-anong cliche na pinagsasabi ng mga tao 'pag nakikipag-break sila: Wala ng spark. It's not me, it's you.

Para siyang tanga at nakinig siya sa mga pinag-sa-suggest ni Diode na sasabihin niya para lang makumbinsi ang nobyang hiwalayan siya.

She was trying for the past two weeks after Valentines nang napansin nitong parang siya na ang lumalayo. Ito naman ang sumusubok na ayusin ang relasyon nila.

Pero, huli na. Pagod na siya. Masakit, oo. Pero, sa paulit-ulit niyang pagbibigay ng excuse sa mga ginagawa ng dalaga ay pakiramdam niya siya na siguro ang may mali.

Sabi nga ni Diode nang minsang mag-inuman sila, hindi na uso ang maging martyr. Unless, gusto na niyang magpabaril sa Luneta, ito pa ang nagprisintang barilin siya. Ang ugok na iyon.

Now he's the one running with flimsy excuses, madali lang naman i-explain.

Pagod na siya. Iyon lang.

Nang matapos na siyang magsalita with matching pagbabalik pa ng ticket niya para sa Villa Montenuma at pera saka naman nagsalita si Arika.

"Tapos ka na ba?"

The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLISHED AS PART OF THE ILYWAMHAK ANTHOLOGY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon