43- Rage

174 6 0
                                    


"Okay. To start with, ano ang huling lugar na binanggit ni George noon? Like, where did she stay when she was pregnant?" Tanong ni Azrael.

Sumandal ako sa sofa ko dito sa condo. Saan nga ba?

"Ang alam ko, sa Manila. Remember Klare's birthday noon? Sabi ata ng Ahma niya ay nag aral siya sa Manila with her fiance?" Sabi naman ni Josiah.

"Yup. She did, I think it's Lasalle?" Sabat ni Azi.

Pumangalumbaba ako habang nagyoyosi dito sa may veranda. Hinayaan ko muna sila sa loob. Alam kong may nabanggit siya noon e....I'm not quite sure kung saan.

"Why not ask Kean Sinchongco?" Suggestion ni Josiah.

Ngumiwi naman si Azi. "The question is, where is Kean Sinchongco?"

Ayun na nga, hindi din natin alam. He vanished too, years ago. Daig pa si Avatar. Saan ko naman hahanapin ang lalaking yun?

"Ganito, why don't we ask all branches of Lasalle in Luzon area? Kahit ibang universities, pwede nating halughugin."

"Ang tanong, magbibigay ba sila ng confidential na info?" Sabat ulit ni Azi.

Doon na ngumisi ng nakakaloko si Josiah at saka prenteng itinaas pa ang mga paa sa coffee table.

"Did you forget, Azi? Attorney ang kausap mo. I can pull some strings and we'll be able to find out."

Foe the rest of the week, iyon ang agenda naming tatlo. Salitan kami sa pag tawag sa mga admin. And yes, ginagamit namin ang pangalan ni Josiah.

Friday na at nawawalan ako ng pag asa. Maaga na rin akong umuwi galing duty at inabutan ang dalawang kumag na seryosong nakatingin sa laptop dito sa may dining area ko. Nagkalat ang mga papeles at iba pa sa table kaya naman sumakit kaagad ang ulo ko.

Pareho pa silang mga naka pang office attire kaya naman siguro ay kakadating lang din nila.

"Ang kalat----"

"Found her records." Sabi ni Azi habang may tinitignan sa laptop. Dumungaw din ako.

Sofia Gregoria Chongbian Ty, BS Architecture, De Lasalle University Dasmariñas.

Status: Undegraduate.

"Iyon lang?!" Bulyaw ko. "She....must have any info there!"

Mabilis na nag scroll ai Azi at tinuro ang isang page na puro information niya.

Hinanap ko kaagad ang address pero wala! Fuck! Paano ba ito?

"Luluwas tayong Manila." Sabi ni Josiah. "Hindi natin siya mahahanap ng ganito lang, agree with me?"

"Agreed." Mahinang sabi ni Azi. "So kailan tayo aalis pa Manila?

Lumunok ako. "Mamaya."

Hindi pa ako nakakaalis ng kusina ay may bigla akong maalala. "Wait, Azi..."

"Bakit?"

"Remember the one she's living with sa London? Iyong Auntie niya, anong pangalan ulit noon?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Aba, malay ko. Hahanapin natin?"

"Tanungin mo si Hendrix." Suggestion ni Josiah na mukhang magluluto pa. "Or si Klare."

Dinampot ko na ang phone ko at mabilis na nag dial sa number ni Klare. Pick up, sweetie.

"Hello, Raf?"

"Hey, istorbo ba ako? Just wanna ask something."

"Sige, ask away."

"Ano ulit iyong full name ng Auntie ni.....George? Iyong kasama niya sa London?" Tikhim ko.

FADING HORIZONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon