My bestfriend is a Gangster

3.8K 28 3
                                    

Nagkaroon ka na ba ng BESTFRIEND?

Yung taong palaging nandyan para sayo, yung nagpapasaya sayo kapag malungkot ka. Hindi ka iniiwan kahit ipagtabuyan mo na siya. Taong umiintindi pa rin sayo kahit na nasasaktan mo na siya. At yung nag-iisang taong handang gawin ang lahat manatili ka lang sa tabi niya.

Ang sarap ng may bestfriend, diba? Well, sa mga walang bestfriend dyan, MAINGGIT kayo! Dahil mayroon akong bestfriend na ganyan, pero matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Hindi niya ako iniwan, sa katunayan pa nga ako ang nang-iwan sa kanya. Halos limang taon na rin pala ang nakalipas ng huli kong masilayan ang mukha niya.

Sa mga interesadong makilala siya, isa lang naman siyang lalaking walang pakialam sa nararamdaman ng iba, masungit, walang preno ang bibig kapag nagustuhang manlait sa ibang tao, mababa ang tingin sa iba, suplado, makasarili, at marami pa! Puro negative, noh? Pero mayroon akong dahilan kung bakit naging bestfriend ko siya, yun ay dahil sa lahat ng negative na ugaling mayroon siya, sa lahat ng pagiging ganyan niya sa lahat, ako lang ang nag-iisang taong hindi niya pinapakitaan ng lahat ng negative na ugaling mayroon siya. Ang sweet, diba? Oh, baka isipin niyo in love ako sa baliw na yan, HAHAHAHA! Isang malaking imposible! Gwapo nga rin pala siya, pero never ko pa ata nasabi sakanyang gwapo siya, baka kasi lumaki ang ulo eh. Mahirap na.

And one more thing, isa nga pa la siyang GANGSTER!

My bestfriend is a Gangster, at ako naman ang bestfriend niyang........Gangster din!

Author: EmbiWitchy

The Best Stories on WattpadWhere stories live. Discover now