Bakit-❇Zen's POV❇-
"A-ace.."
Abot langit ang kaba na nadarama ngayon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng salita habang tinitingnan ang walang emosyon niyang mga mata.
Humakbang ako ng isang beses dahilan para iiwas niya ang kaniyang mukha patagilid. Malayo ako sa kaniya. Hindi naman nagdidikit ang mga katawan namin pero grabe siya kung maka iwas.
Naghahalo na ang nararamdaman ko. Sakit, pangungulila, pagtataka, galit. Bakit nandito siya gayong sinabi niya kay Lee na magkikita sila. Bakit ganyan siya makatingin, samantalang siya nga itong sobra kung manakit.
May kung ano akong nababasa sa mga mata niya. Pero habang tumatagal ang pagtitig ko doon, mas lalo akong nanghihina. Hindi ko matukoy kung ano ang ibig sabihin non.
"Bakit ka nandito?"
Mas lalo akong nanlamig dahil sa boses niya. Walang silbi ang suot kong jacket ngayon. Dinilaan ko ang aking labi at nag-isip ng sagot sa tanong niya.
"N-nandito ako dahil...nag-aalala ako sa'yo." Tumigil ako, "Nalaman ko kasi ang nangyari sa papa mo. Gusto ko lang malaman kung ayos-"
"Pumunta ka lang ba dito para itanong yan?" Ngumisi siya, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Lumunok ako, "May isa pa akong itatanong-"
"As you can see I'm doing great. At alam mo na isa akong busy na tao. Kung naiintindihan mo, pwede mo na akong lagpasan. Wala ka dapat ikabahala."
Hindi ako naka imik sa sinabi niya. Hindi dahil sa wala akong maisasagot, sadyang hindi lang ako makapaniwala. Pumunta ako dito para lang itanong yun? Anong klaseng utak ba ang mayroon siya.
"May sasabihin ka pa?"
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapatatag ang loob. Dahil sa mga sinasabi niya, unti unti niya akong pinapatay.
Nangilid ang luha ko, "Talaga? Yan lang ang sasabihin mo?"
"Anong gusto mo?" Mabilis niyang sagot. Tila pinag-isipan ng mabuti ang lahat.
Ilang beses na tumakbo sa utak ko ang pwedeng mangyari kapag nagkita kami. Napakaraming senaryo, pero wala yun lahat dito. Walang wala ang iniisip ko sa nangyayari ngayon.
Nang hindi ako nakasagot ay tumawa siya ng mahina. Tinagilid ang ulo at nakataas ang kilay na tumingin sa akin, "Are you expecting lines like: I'm sorry, forgive me. I'll back to you so wait? I hope not, Zaih."
Pinakawalan ko ang hininga na kanina pa pinipigilan. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay at paa ko. Gusto ng kumawala ng mga luha pero hindi ko ito hinahayaan. Hinding-hindi.
"B-bakit ka naging ganito?" Nanghihina kong tanong.
Kumunot ang noo niya at nag iwas ng tingin. Parang may iniisip siya. Hinayaan ko siya at inabala na lang ang sarili. Pinipigilan ko pa rin ang mga luha ko. Hindi naman tumutulo pero kita sa mga mata ko ang naipong luha.
"Bakit nagbago ka na?" Nanginig ang boses ko.
"Wala." Tumingin siya, "Nagising lang ako sa katutuhanan."
Ilang sandali kaming nagkatitigan. Palipat lipat ang tingin niya sa mga mata ko. Alan kong alam niya na may luha doon. Pero wala siyang reaksyon.
"Okay, naiintindihan ko," Pinigilan kong humikbi, "Umaakto kang hindi mo ako gustong makita o wala ka ng pakialam sa akin. Para sayo isa akong... Isa akong-"
"Isa kang dumi na gusto kong maalis sa isip ko."
Natigilan ako sa sinabi niya, "Ang sama mo. Ang sama sama mo, Ace."
YOU ARE READING
My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019
RandomHindi ako magmama kaawa na ibalik ang relasyon namin. Mahal ko siya pero hindi ako ganoon kadesperada. - Zen Naih De Guzman Cold guy series #1