Chapter 78

1.9K 63 12
                                    


Basahin ang author's note!

-- -

Just saying

-❇Zen's POV❇-

"Nakabihis ka na ba, Ate?" Tanong ni Venice nang nakapasok sa kuwarto.

Lutang akong tumango sa kaniya. Kakatapos ko lang maligo't mag-ayos kaya ngayon ay nakatanga na lang ako sa kuwarto.

Ngumiti siya pero halatang nahihiya. Siguro naaalala niya pa rin ang nagyaring pag-iyak niya kahapon. Pareho lang din naman kami.

Inaalala ko pa lahat ng nangyari kagabi kaya huli na ako nakatulog. Nagising na lang ako na mataas na ang araw.

"Ate Zaih..."

Huminga ako ng malalim at tumayo. Tiningnan ko siya at naabutan ang pag-iwas niya ng tingin. Kita ang lungkot sa mga mata niya.

Sabay kaming dalawa na bumaba sa hagdan. Pinag-ayos nila ako dahil ngayon daw ang punta namin sa university na papasukan ko simula ngayon.

Medyo nahihiya pa ako kay Tita Armina kaya hindi ako maka-hindi sa sinabi niyang may pupuntahan kami.

"Are you done?" Bungad ni Tita na nakaupo sa sofa.

"Yes, My." Si Venice.

Tumayo si Tita kaya lumapit kami sa kaniya. Tumalikod na siya at handa ng umalis. Sumunod naman si Venice sa kaniya. Naka-dalawang hakbang pa lang ako pero agad din napatigil.

Wala sa sarili akong napatingin sa itaas. Tinitigan ang pasilyo papunta sa isang kuwarto. Ano kaya ang ginagawa niya at bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya bumababa?

Lasing yun kagabi kaya malamang ay tulog pa rin siya hanggang ngayon. Pero anong oras na, masyado naman yata siyang napagod.

Bumuntong hininga ako at kumurap nang hindi inaalis ang tingin doon. Hanggang kailan kaya siya matutulog?

"Ate Zaih?" Nagising ako sa tawag ni Venice.

Nagtataka niya akong tiningnan. Nang hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa pasilyo ay sinundan niya yun ng tingin. Napaawang ang bibig niya nang napagtanto kung ano ang nangyayari sa akin.

Bumalik ang hiya niya at nauna ng lumabas. Tumingin ulit ako sa pasilyo bago nagpasyang sumunod na sa kanila. Ilang minuto din, baka mahalata na ni Tita na kanina pa ako wala.

Naabutan ko si Tita Armina na nakatayo sa labas. Agaran ang paglapit namin ni Venice sa kaniya dahil medyo mainit sa labas.

"Mom, bakit kayo nakatayo dito? Ang init kaya!" Sabi ni Venice at tumingin tingin pa sa paligid.

"It's cold naman." Sagot niya.

Napa-awang ang bibig ko. Mukhang may pinagmanahan naman pala si Venice. Pareho silang dalawa.

Ngumiti ako ng tipid. Kahit papaano ay naibsan ang kaunting lungkot na nadarama kanina.

"Tayo na, hija." Tawag ni Tita Armina.

Naglakad na kami palapit sa kotse. Buong biyahe akong tahimik. Kinakabahan dahil iyon ang unang beses na makakakita ako ng university dito sa ibang bansa.

Mas lalong lumala ang kanina pang nararamdaman kong kaba nang makita ang napakalaking kulay itim na gate.

Kulay itim yun na parang bawal maski isang tao na hindi tagarito ang pumasok. Pero kahit na ganoon ang tingin ko ay bumukas yun kahit walang nagbukas.

Pumasok ang itim na kotse sa unahan namin. Kasama namin kanina pa ang kotse na yun. Hindi ko alam kung sino ang sakay pero sigurado akong nagmula yun sa mansyon.

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now