Chapter 7

711 23 0
                                    

Chapter 7

Hinatid ako ni Bullet sa classroom. Nakahawak siya sa bewang ko habang naglalakad kami sa corridor. Alam kong maraming mata ang nakatingin sa amin lalo na ngayong nakapulupot sa bewang ko ang kamay niya. Wala siyang pakelam sa paligid. Naglalaro ang ngiti sa kanyang mga labi habang tinititigan niya ako. Parang di sumasayad ang paa ko sa lupa. Lutang na lutang ang pakiramdam ko. Feeling ko ay nasa state of shock pa ako.

"Anong oras ang last exam mo" nakangiting tanong niya. Nasa tapat na kami ng classroom.

Sinandal niya ang kaliwa niyang balikat sa wall ng corridor at humarap siya sa akin. Hinawakan niya ang isa kong kamay at pinisil pisil niya yun ng marahan.

"Hanggang hapon pa. Mga 5 pm pa." Sagot ko habang nakatingin sa kamay naming magkahawak. Yumuko ako dahil nahihiya ako sa kanya.

"Hindi na kita masasabayan sa lunch ha. Puntahan ko muna si JB sa hospital. We have to take him there last night kasi pinukpok siya ng bote sa ulo. Medyo malalim ang sugat kaya kailangan ng stitches. He has to undergo some tests, so nandun pa siya. I'll see you later. Ako ang maghahatid sayo pauwi."

"Tingnan mo yan. Pano kung sayo nangyari yung nangyari kay JB?" Nagaalalang sabi ko.

"Nagpromise na ako sayo di ba? I said i'm not going to do it again." Sabi niya sa malambing na boses.

"Okay. Kita na lang tayo mamaya." Sagot ko na lang.

"Galingan mo sa exams. Gusto ko ikaw ang maging number one sa deans lister." Masuyong sabi niya. Hinawakan niya ako sa baba at pinisil pisil niya ito.

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Hinila niya ako at ginawaran ng magaang halik sa labi.

"Sige pasok na." Sabi niya sabay tulak na sa akin papuntang ng pintuan ng classroom. Tumalikod na siya papunta sa hagdanan.

Pagpasok ko ay nakatingin lahat ng kaklase ko. Para silang mga timang na nakatulala. Ano bang problema ng mga ito? Ganun ba kahirap ang exam kaya sila nakatulalang lahat sa akin? Kumunot ang noo ko ng hinila ako ni Ivan at excited siyang humarap sa akin.

"Grabe teh ang haba ng hair mo.Ikaw na. Nakakaloka ka.PDA TALAGA?? At si Bullet pa talaga ha." Hinila niya ako sa buhok at tumatawang sinabunutan ako.

"Arraayy!! Ano ba yan bakla. Ang sakit nun ha. Huwag ka ngang maingay diyan. Pagbigyan mo na ako bakla, medyo lutang pa ako. Ako din hindi ko alam kung anong nangyari. Wag kang mag-alala pag ready na ako iupdate kita." Natatawang bulong ko.

"Aba'y dapat lang teh. Isang oras ka lang nawala noh. Hanap ako ng hanap sayo. Pagbalik mo nakahawak na sa bewang mo si Bullet Lagdameo at hinahalikan ka sa labas ng classroom." Oa niyang sabi habang tumitirik ang kanyang mga mata.

Natawa na lang ako kay Ivan. Siya lang kasi ang kaibigan ko dito sa school bukod kay Yvette. Di ko man nakakasama si Yvette ay nandito naman siya. May pagkamaarte ito at oa kung minsan pero nakakatuwa naman ito dahil masayahin ito at di mapanglait sa kapwa.

Si Ivan ang kasabay kong naglunch. Since magkablock kami parehas kami ng mga exams. Kailangan kong magreview dahil gusto kong maging number one sa dean's list. Gusto kong maging proud si Bullet sa akin. Kahit hindi ako kasing ganda at sosyal ng mga babae dito sa Xavier at least pagdating sa talino di naman ako pakakabog. Nandito kami ngayon ni Ivan sa school garden, nakaupo kami sa damuhan.

"Grabe ka teh.Binabasa mo pa ba ang mga questions sa exam natin kanina? Bakit ang bilis bilis mong sumagot? Nag-iisip ka ba?"

"Oo naman beks. Memorize ko na kasi yung formula kaya mabilis kong nasagot. Saka ang dali lang di ba?" Nakangiting sabi ko.

Heartbreaker (Book 1)Where stories live. Discover now