Chapter 9

583 28 0
                                    

Chapter 9

Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako papuntang parking lot ng school. Miss na miss ko siya. Pero kinakabahan ako dahil di ako nagpaalam na magpaparty. Lagot talaga ako neto. Hindi ko alam kong pano magalit si Bullet. First time ko to. Pano ba magalit ang isang boyfriend?

Natatanaw ko na siya. Nakasandal siya sa isang itim at bagong bagong 4x4 na Toyota pickup.Bakit iba ng sasakyan niya? Asan ang BMW niya? Nakaputi siyang v-neck tshirt at itim na maong jeans at itim na sperry topsider. Wala na ang medyo mahaba niyang buhok na minsan ay tumatakip sa mata niya. Maiksi na ang buhok niya ngayon. Clean cut. Parang sa military. Nakatingin siya sa kawalan habang panay ang hitit sa hawak niyang sigarilyo. Bigla siyang natigilan ng maramdaman niyang may papalapit sa kanya. Hinagis niya sa semento ang sigarilyo at inapakan iyon.

"Sinong maysabing pwede kang magparty ng hindi nagpapaalam?" Sabi niya ng hindi ako nililingon. Nakasandal lang siya sa sasakyan at nakatingin sa sapatos niya habang inaapakan ang sigarilyo.

"Hindi ka dapat nagyoyosi. Gusto mo bang mamatay ng maaga." Naiinis na sabi ko. Di ko sinagot ang tanong niya dahil naiinis ako sa paninigarilyo niya.

"Anong gusto mong gawin ko? Kanina pa ako pinapapak ng lamok dito. You're not answering my calls. Sino ba kasing maysabing pwede kang magparty ng di ko alam?"Seryosong sabi. Di niya ako tinitignan. Nilalaro ng isa niyang paa ang kanina pa durog na upos ng sigarilyo.

"Biglaan kasi babe. Naawa lang ako kay Ivan kasi wala siyang kasama. Wala naman kaming ginawa sa loob. Nanood lang kami ng program nila." Pagpapaliwanag ko.Pero ang totoo nanginginig ako sa nerbyos.

Dalawang dipa na lang ang layo ko sa kanya. Nakatayo lang ako sa harap niya. Habang di pa rin niya ako tinitignan. Sheet galit ata talaga. Hinahaplos niya ng medyo madiin ang batok niya. Parang pagod na pagod siya. Bumagay sa kanya ang maiksing buhok. Para siyang modelo. Gustong gusto ko na siyang takbuhin at yakapin pero nag-alangan ako.

"Nagparty ka ng ganyan ang suot mo? " sabay tingin ng masama sa damit ko. Nagsalubong talaga ang kilay niya ng makita ang nakalitaw kong legs.

"Ano bang masama sa suot ko? Halos lahat ng babae sa party ganito ang suot." Nakangusong sabi ko.

"Very short. Very revealing." Seryosong sabi niya

"Ngayon ko lang nalaman na conservative ka pala. Kasi sa pagkakaalam ko lahat ng babaeng nalink sayo mas maiiksi pa dito ang sinusuot araw araw." Medyo nainis na rin ako sa kanya.

"Wala akong pakelam kung anong isuot ng mga babaeng yan. Pero pagdating sa girlfriend ko conservative ako. Tingnan mo nga buong likod mo kitang kita. Sana lang babe sa relasyong ito hindi tayo naglilihiman."Medyo tumaas na ang boses niya.

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kasalanan ko naman talaga dahil di ko sinabi sa kanya na magpaparty ako.Naiintindiahan ko naman kung bakit siya nagagalit ngayon. Sheet anong gagawin ko?

" Babe sorry na. Di nako uulit. It's my fault. Sorry na talaga." Nakayuko ako habang nag-uunahan ng malaglag ang luha ko.

Ang tanga tanga ko kasi. Dapat kasi nagpaalam ako. Kung siya kaya ang magparty habang wala ako. Tapos di siya nagpaalam. Ano kayang mararamdaman ko. Tahimik lang siya at di pa rin nagsasalita. Nakayuko lang ako.

" Halika nga dito. " hinila na niya ako at niyakap ng mahigpit.

Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at niyakap ko na rin siya habang humihikbi hikbi ako. Sobra akong guilty sa ginawa ko. Hinayaan lang niya ako habang hinahaplos niya ang likuran ko. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko. Parang ayaw ko ng bumitaw pa.

Heartbreaker (Book 1)Where stories live. Discover now