Chapter 2
"Salamat nga pala ulit sa pag libre mo sa'kin bess ha." Saad ko kay Kelly habang nag lalakad na kami sa loob ng mall.
Pag tapos kasi naming kumain sa fast food ay nag aya ito sa'kin na mag libot-libot muna kami bago umuwi.
"Wala 'yon. T'saka dapat lang talaga na mag celebrate kasi may award ka." Naka ngiting tugon nito sa'kin habang nakayakap parin ito sa braso ko.
"Kamusta pala 'yong pag hahanap mo ng bagong trabaho?" Mayamaya ay dagdag na tanong nito sa'kin.Napa buntong hininga naman ako ng wala sa oras.
"Ayon! Wala parin. Kahapon nag apply din ako kung saan saan. Tatawagan na lang daw. Pero hindi naman ako umaasa don. 50/50 na 'yon." Malungkot na sagot ko dito.
Kung bakit kasi ang mga HR ay hindi tumatanggap sa mga aplekanting wala pang experienced sa trabahong iniooffer nila.
Tss! Paano naman mag kakaroon ng experienced ang mga gustong mag trabaho na katulad ko kung hindi naman nila bibigyan ng pag kakataon di'ba?
Kaya nga mag aapply, para magkaroon ng experienced eh."Hayaan mo na, I know makakahanap ka din ng trabaho." Aniya. "Eh! 'Yong sa apartment mo?" Tanong nitong muli sa'kin.
Mas lalo tuloy akong na momblema ng muli kong maalala si Aling Barbara, ang land lady ko.
Paniguradong sasalubungin na naman ako non mamaya pag uwi para singilin sa renta ko."Eh, kung tanggapin mo na muna kasi 'yong pinapahiram ni mama sa'yo... para may pang bayad ka na don at hindi mo na kailangan na mag hanap ng alibi kay Aling Barbara."
"Bess, nakakahi---"
"Lagi ka nalang nakakahiya Devee. Kaibigan kita, at kilala ka na nila mama at papa since first year college pa ta'yo. And besides, sila naman ang nag aalok ng tulong sa'yo. Paano kung pag uwi mo mamaya palayasin ka na talaga ng land lady mo? Saan ka naman pupunta, eh ayaw mo din naman sa bahay." May panenermon pang saad nito sa'kin at inirapan pa ako.
Nakakahiya lang kasi na muli akong tatanggap ng tulong mula sa pamilya nila.
Oo mayaman sila.
Hindi sila nag hihirap sa pag kain at pera. Oo sila na ang nag aalok sa'kin ng tulong.
Pero nakakahiya parin.
Mula pa nong maging magkaibigan kami ni Kelly, ang pamilya nya na ang laging tumutulong sa'kin.
Madami na din silang naibigay sa'kin... pag kain. Gamit. Maging financial man. Pero hindi naman ako 'yong tipo ng tao na abusado.Nakakasurvive naman ako sa isang araw dahil sa kinikita ko sa part time job ko ngayon.. 'yon nga lang ay nagigipit ako pag dating sa bahay na tinitirhan ko, kaya kailangan ko talaga kumita at kumayod ng mas malaki.
"Oh!" Anang Kelly na nag palingon sa'kin sa kanya. Huminto din ako sa pag lalakad nang huminto ito.
Kunot noo naman akong napatitig sa kamay nyang nakalahad sa'kin.
"Alam kong kailangan mo 'yan. Tanggapin mo na." Saad nito at kinuha ang kamay ko para ibigay ang pera.
"Wag na Kelly. May pera pa---"
"Wag ka ng mag sinungaling sa'kin bess. Kilala na kita. Hindi ka sasama sa'kin dito at mag papalibre kung may pera ka pa talaga." Putol nito sa iba ko pa sanang sasabihin.
Bigla tuloy akong natahimik sa sinabi nitong huli.
"Okay sige. Ganito nalang! Tanggapin mo ang pera na 'yan tapos bayaran mo nalang ako pag may trabaho ka na." Aniya. "Wag mo nalang isipin na bigay ko 'yan sa'yo. Utang na lang."
"Si-sigurado ka bess?" Nauutal pang tanong ko dito. Alam ko kasing sarili nyang pera 'yon. 'Yong mga tira-tira nyang allowances every day.
Kung sabagay ay malaki naman kung mag bigay ng allowance ang parents nito sa kanya, kaya nakakapag ipon din ito.
"Sure ako." Sagot nito. "Para din may magamit ka sa pag aapply bukas. Wag kang mag alala at makakahanap ka din ng trabaho. T'saka malapit naman na din ta'yong mag graduate eh. Matatapos din 'tong pag hihirap mo. Trust me."
"Salamat talaga bess ha. Hulog ka talaga ng langit sa'kin." Pag dadrama ko pa dito at wala na ngang nagawa kundi ang tanggapin ang pera na inaabot nito sa'kin kahit nakakahiya talaga.
Pipilitin ko talaga na makahanap na ng bagong part time job bukas para naman hindi na ako ganon mamoblema.
"Aray! Ang sakit naman nong hulog ng langit." Natatawa pang saad nito t'saka ito muling yumakap sa braso ko.
"Salamat talaga bess. Wag kang mag alala, pag nakahanap ako ng trabaho babayaran agad kita." Nakangiting saad ko dito.
"Wag kang mag pasalamat, utang naman kasi 'yon eh haha. T'saka ililista ko 'yon mamaya." Tumatawang pag bibiro pa nito sa'kin.
"Oo. Lista mo lang, at pag nakahanap ako ng 1M t'saka kita babayaran haha." Sagot ko dito na natatawa na din.
Hanggang sa makarating kami sa sakayan ng jeep.
"Sige na bess. Ingat ka ha. Sure ka ayaw mo ng sumabay sa'kin? Ihahatid na lang kita pauwi." Anang Kelly habang nakapila ako sa sakayan ng jeep.
"Okay lang ako. Sige na mauna ka na."
Nakakahiya kung mag papahatid pa ako pauwi, eh hindi naman ako on the way sa bahay nila eh. Lalayo pa sya.
"Sige. Ingat ka ha. Bye. Kita nalang tayo bukas." Aniya at muli akong niyakap bago tuluyang umalis.
Mayamaya pa ay nakasakay na din ako ng jeep pauwi.
Pagkababa ko palang sa kanto ay agad kong inilibot ang paningin.. baka nandyan na naman ang pandak na 'yon. Magugulat na lamang ako na nasa harap ko na pala at maniningil na naman."Psssttt." Sutsot ko kay Awra, ang bading na kapitbahay ko.
Nakatambay kasi ito sa tindahan ni Aling Tasing habang nakikipag landian sa dalawang lalaki."Ay mare! Andyan ka na pala." Ani nito at mabilis namang lumapit sa'kin.
"Si Aling Barbara? Nakita mo?" Tanong ko dito.
"Hindi eh. Parang umalis ata. Pero kanina hinanap ka." Aniya.
"Ganon ba? Basta pag nag hanap sa'kin sabihin mo----"
"Devee.. buti naman at nandyan ka na."
Agad akong natigilan at pakiramdam ko natuod ako sa kinatatayuan ko na madinig ko ang matinis na boses ng matandang pandak na 'yon.
Napapikit nalang ako ng mariin kasabay ng pag kagat sa labi ko.
Sinasabi ko na nga ba eh."Ano na? Kamusta ang renta ng bahay ko?" Tanong nito habang parang penguin na nag lalakad palapit sa'kin, ang pandak kasi na mataba din. Hek hek.
"Aling Barbs ito na pala si Devee oh." Anang Awra na itinuro pa ako.. akala mo naman hindi ako nakikita ni pandak. Eh! Pag dating sa'kin malinaw na malinaw ang pandinig at paningin nyan eh.
"Eh! Magandang gabi po aling Barbara." Naka ngiting bati ko dito.
"Ano ngingiti ka na naman sa'kin?" Napapahiyang tumungo na lamang ako dahil sa sinabi nito.
"Aling Barbara pasensya na po muna. Nag hahanap pa po talaga ako ng pera sa ngayon." Saad ko dito.
"Pasensya. Pasensya. Puro nalang pasensya. Aba---"
"Ma! Gabing gabi na boses mo na naman ang nadidinig ng mga kapitbahay na'tin." Aniya ni Keiedrian, binatang anak ni Aling Barbara.
Gusto ka daw makausap ni ate. Nasa Skype." Dagdag pa nito ng makalapit na sa'min. "Hi Devee." Malapad ang ngiti na bati nito sa'kin."Mag bayad ka sa'kin ha." Huling saad nito bago nag mamadaling nag lakad ulit pabalik sa bahay nila.
"Salamat." Nahihiyang saad ko kay Keiedrian.
"Wala 'yon. Pasensya ka na sa mama ko. Parang armalayt ang bibig pag dating sa'yo hihi." Napapakamot pa ito sa ulo nya.
"Si-sige. Mauuna na ako ha. Salamat ulit." Saad ko dito at nag patiuna ng nag lakad.
"Ingat Devee." Dinig ko pang saad nito sa'kin.
BINABASA MO ANG
MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)
Romance"I can't wait. Naiinip na ako." Bulong sa'kin ni Ericjan habang pareho na kaming nakatayo sa harap ng altar. Napabungisngis na lamang ako dahil sa itinuran nito sa'kin. "Hindi pa nga nag sisimula si Father, pero naiinip ka na dyan." Sagot ko dito. "...