Chapter 49"Wife... What? I'm waiting for your answer." Anang Ericjan habang malungkot ang mga titig nito sa dalaga. Nakaluhod parin siya sa harap ni Devee habang hawak nito ang singsing na may malaking bato at napapalibutan ng maliliit na kumikinang na dyamante. "I love you Devee. Please."
"A-anong sasabihin ko?" Tanong nito habang sumisinghot pa pag kuwa'y mabilis na pinunasan ang luhang unti-unti ng natutuyo sa pisngi nito. Mabilis na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata.
"Just say 'I do' my love. Ngayon at sa harap ng paring mag kakasal sa 'tin." Aniya.
"I love you Ericjan. I do. Mag papakasal ako sa 'yo." Sagot nito sa lalaki. Agad na tumalima si Ericjan para kunin ang kamay ni Devee at isinuot roon ang singsing pag kuwa'y tumayo ito at walang paalam na ikinulong sa mga palad ang mukha ng dalaga at siniil iyong ng mariin na halik.
"I love you, Devee. Always." Bulong nito bago ikinulong sa kanyang mga bisig ang dalaga.
"Mahal din kita. Sorry kung praning ako at hindi man lang kita tinatanong at basta na lang ako nagagalit sa 'yo. Natatakot lang kasi ako na baka---"
"Shhh. It's okay. I know. I understand now. Basta ang mahalaga roon, ako at ikaw. And I promise from now on, hindi na ako aalis ng bahay na hindi nag papaalam sa 'yo ng maayos. I promise na hindi na ako uuwi ng late at sasagotin ko na lahat ng text at tawag mo sa 'kin kahit anong mangyari. I promise na ikaw lang. Walang iba." Anito sa punong tainga ni Devee.
Kahit papaano ay nawala na ng tuluyan ang agam-agam at pangamba sa puso ni Devee. Oo na. Praning lang talaga siya. Hindi naman siya siguro masisisi ni Ericjan. These is her first relationship, kung kaya't hindi niya alam kung ano ba ang tama niyang gawin. Well, wala naman siguro tama o mali basta mahal mo ang isang tao.
"I love you."
"I love you too, Ericjan." Nakangiting saad ni Devee rito pag kuwa'y muling tinanggap ang matamis na halik nito para sa kanya.
MALAKAS NA PAG TILI ang ginawa ni Kelly matapos na ikuwento ni Devee ang lahat ng nangyari sa kanila ng binata. Napapalundag pa ito at kung minsan ay napapayakap sa braso ng dalaga.
"Magagalit sana ako kay kuya dahil sa mga ginawa niya. But when you say kung papaano siya nag propose sa 'yo. Gosh! Nakakainggit ka bes. Haist. Kailan ko din kaya makikilala ang Ericjan ng buhay ko?" Tanong nito na halatang kinikilig pa.
"Akala ko ba okay na kayo ni Jim?" Tanong ni Devee sa kaibigan na siyang naging dahilan ng mabilis na pag babago ng ekspresyon sa mukha nito.
"Tsk. Don't mention his name again. Baka tuluyan ko na siyang mapatay sa isip ko."
"Ha? Bakit naman?" Curious na tanong nitong muli.
Ilang araw na din kasi silang hindi nag kakasama ni Kelly kung kaya't hindi na sila updated sa isa't isa at kung ano ang mga nangyayari sa buhay nila. S'yempre pareho na silang busy mag mula nang makapag graduate sila ng college.
Si Kelly ay abala sa pag tulong sa magulang para mamahala sa sarili nilang negosyo kung kaya naman ay minsan na lamang itong gumala at madalaw siya. Samantala si Devee naman, hindi pa pinapayagan ni Ericjan na mag hanap ng trabaho sa iba. Mag pahinga na muna daw siya. And besides, para ano pa at mag hanap siya ng trabaho gayong kaya namang bilhin ni Ericjan lahat ng kailangan niya. Kaya nitong buhayin ang dalaga kahit habang buhay na hindi ito mag trabaho. Ayon iyon sa mga dahilan ng binata kay Devee nong minsan ay mapag-usapan nila ang tungkol sa trabaho.
"Huwag na natin pag-usapan ang tungkol diyan. Ikaw ang pag usapan natin. Kamusta kayo ni kuya bukod sa real engage na talaga kayo?" Nakangiti pang tanong sa kanya ni Kelly.
"Okay naman."
"Paki explain ng maayos ang 'Okay naman' na 'yan. Madami kasi ang ibig sabihin niyan eh!" Pang uusisa pa nito habang naka paskil ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
Mabilis na kumunot ang noo ni Devee habang pinipigilan ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Bakit?"
"Okay means, okay kayo ni kuya kasi engage na kayo for real. Okay, kasi masaya kayo at kasama niyo ang isa't isa. O baka naman 'Okay' kasi may iba pang nangyari sa pagitan niyo like--- alam mo 'yun." Ani Kelly na mas lalo pang ngumiti ng nakakaloko sa kanya at sinabayan pa ng pag tusok tusok sa tagiliran niya na parang kinikilig hanggang langit.
"Anong alam mo 'yun?" Inosenteng tanong ni Devee.
"Gumawa ng pamangkin ko." Walang preno na saad nito.
Halos malaglag pa ang panga ni Devee sa pagkagulat dahil sa sinabi nito. Kasabay no'n ang pag-iinit ng kanyang pisngi na panigurado niyang pulang-pula talaga ngayon.
"What? Kelly..." Aniya at mabilis na hinampas sa braso ang kaibigan.
"Why? Maka react naman 'to. Akala mo naman hindi pa ginagawa." Pang aasar pa nito sa kanya na siyang lalong nag painit sa mukha ng dalaga.
"Ang bastos mo. Bakit ko naman gagawin 'yun?"
"Really? Jusko naman. Ang bagal bes. Mag katabi na kayong natutulog dito sa kuwartong ito pero wala parin pala akong pamangkin. Ano lang ginagawa niyo buong mag damag? Tutulog lang? Tinginan lang? Gano'n?" Sunod-sunod na saad nito sa kaibigan.
"Grabe ka naman Kelly. Anong akala mo sa 'kin? Basta na lang bibigay?"
"Tsk. Hindi naman sa gano'n bes. Pero... haist. 2019 na po hello. Hindi na panahon ni Maria Clara. 'Tsaka alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa. Sa simbahan din ang punta niyo, bakit hindi na lang unahin ang honeymoon 'di ba?" Anito na siyang mas lalong nag palaki sa mga mata ni Devee.
Ano ba'ng nangyayari sa kaibigan niya? Wala pa naman isang buwan mula nang huli nilang pag kikita pero parang ang laki na ata ng ipinag bago nito ngayon. Kung dati ito lagi ang nag papaalala sa kanya tungkol sa bagay na iyon. Na kasal muna bago ang kama. Tapos ngayon ibinubugaw pa talaga siya sa pinsan nito.
"Ewan ko sa 'yo. Nabagok ba 'yang ulo mo bes at bigla kang naging ganyan?"
"Gusto ko lang talaga ng baby pamangkin." Nakangiting saad nito pag kuwa'y muling yumakap sa braso ni Devee. "Kaya kausapin mo na si kuya---aray." Daing nito ng mabilis na pinisil ni Devee ang pisngi nito.
"Halika na sa ibaba at baka nagugutom ka lang. Kumain na muna tayo." Anang Devee at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan at nag patiunang nag lakad palabas ng kuwarto. Dinig pa nito ang nakakalokong tawa ni Kelly habang nakasunod sa kanya pababa ng hagdan.
"Kasi naman, bes. Dali na. Mamayang gabi ha."
"Tigilan mo ako Kelly."
"Why not?"
"Nakakahiya."
"Ano naman ang nakakahiya do'n? Tsk. Gusto mo ako na ang mag sabi kay kuya---"
"What?" Nag tatakang tanong ni Ericjan ng madanig nito ang usapan ng dalawa.
"Kuya may---"
"Wala. Huwag muna pansinin itong pinsan mo. Kinukulit niya lang ako." Anang Devee at mabilis pa sa alas kuwatrong hinila sa tabi niya ang kaibigan at tinakpan ang bibig nito gamit ang kanyang kamay.
"What is it? Maybe I can help."
"Kuy---"
"Hindi. Hindi ka makakatulong so 'wag ka na mag tanong. Halika Kelly at sa garden tayo." Anang Devee at walang paalam na nag lakad habang hila-hila sa leeg ang kawawang Kelly. Nag pupumilit pa itong tanggalin ang kamay niya sa bibig nito.
"What is your problem?" Tila ay naiinis na tanong ni Devee sa kaibigan na nakangiti na naman sa kanya ng nakakaloko.
"Pag bigyan mo na kasi ako bes."
"Ano sa tingin mo 'yang hinihiling mo Kelly De Asis? Akala mo madali lang 'yang gusto mo?"
"Madali naman 'yun kasi dalawa naman kayong gagawa. Look, sabi ni kuya maybe he can help. And besides, hindi lang naman ako ang atat na mag kalaman 'yang tiyan mo. Even kuya's parents. Lalo na si Tita Yhanie." Giit pa nito sa dalaga.
Hay! Ma i-stress talaga siya dahil kay Kelly eh! Malingalingang palayasin niya na ito sa bahay ni Ericjan. Tila pinang hihinaan ng tuhod si Devee na napaupo sa bakal na silya na nasa gilid ng swimming pool.
"Jusko, Kelly. Wala ka nga ata sa sarili mo ngayon. Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Sinapian ka ata ngayon."
"Sige na. Aalis na ako para naman ma solo niyo ang isa't isa. Bye na." Ani Kelly pag kuwa'y hinalikan siya sa pisngi bago ito tumalikod at nag lakad palabas ng gate.
Napapabuntong hininga na lamang ng malalim ang dalaga pag kuwa'y tumayo na rin para bumalik sa loob ng kabahayan. Nasa may pinto pa lamang siya ng matanaw ang binata na prenteng nakaupo sa mahabang sofa habang nakatuon ang mga mata nito sa screen ng tv. Wala sa sariling tinitigan ito ni Devee. Mula sa guwapo nitong mukha, sa ma-muscle at mabato nitong katawan na halos mapunit na ang damit na suot nito. Sa paa nitong naka di-kuwatro.
Ericjan is the type of guy na talaga namang hahabulin ng tingin ng kahit sinong mga babaing makakasalubong ito. Hindi nga alam ni Devee kung bakit siya ang nagustohan nito, gayong simple lang naman siya. Walang sinabi kay Ingrid. Lalo na sa ibang naka fling nito noon. But still, she's lucky though... kasi siya ang pinili nito of all those women's na nag hahabol sa binata.
"Wife... are you okay?" Untag na tanong ng binata sa kanya.
"H-ha?"
"Are you okay? Kanina ka pang nakatulala diyan. Did I do something wrong again?" Tanong nito pag kuwa'y mabilis na pinatay ang palabas na pinapanuod nito at nag lakad palapit sa kanya. "Hey!"
"W-wala. May iniisip lang ako."
"Tell me."
"Wala. Hindi naman importante 'yun." Aniya at mabilis na nag iwas ng tingin rito. Parang hindi niya ata kayang salubungin ang mga mata ng binata dahil tuwing mapapatingin siya sa mapupungay na mga mata nito, pakiramdam ni Devee inaakit siya nito at hinihipnotismo.
"Tell me. Ano ba'ng napag-usapan niyo ni Kelly? I can help."
"Wala." Mabilis na saad ng dalaga na medyo napataas pa ang tono ng boses. Kunot noo at nag tataka namang napatitig si Ericjan sa dalaga.
"Why?"
"Kasi ang kulit mo."
"What? I'm just trying to help, wife."
"Okay fine. Tinatanong ni Kelly kung kailan mo raw siya bibigyan ng pamangkin. Kung kailan daw tayo gagawa ng baby. Ano okay ka na?" Anang Devee na idinaan na lamang sa pag susungit ang kabang nararamdaman habang titig na titig sa kanya ang binata.
Mabilis na nabura ang pagkakakunot ng noo ni Ericjan. Napalitan iyon ng matamis at malapad na ngiti sa mga labi nito. Walang paalam na hinila sa baywang ang dalaga at dinala ito sa tapat ng kanyang dibdib.
"Really? So, what did you say?" Nag niningning ang mga matang tanong nito.
"A-a--- H-hindi. A-ayoko." Kanda utal na saad nito at pilit pang itinutulak sa dibdib ang lalaki.
"Come on wife. Bakit iba ang nakikita ko sa mga mata mo? You said no, but your eyes said yes." Anito at pilit na hinuhuli ang mga mata ng dalaga.
"H-hindi kaya."
"Liar." Ani Ericjan at mabilis na sinunggaban ng halik ang nakaawang na mga labi nito. "See. Even your kiss said yes, wifey."
"Ang daya mo." Anang dalaga na siya namang ikinabunghalit ng tawa ni Ericjan.
"Action speaks louder than voice, Devee. And the way you response to my kiss. I know."
"Eric---"
"Shhh. Let's go up stairs... para mabigyan na natin ng pamangkin si Kelly." Sa halip ay saad nito at mabilis na yumuko at walang paalam na binuhat na parang bagong kasal si Devee.
•••••
HAPPY NEW YEAR SA LAHAT !!!!😊😇
Anong mga new year's resolution nyo guys?