Episode 40

37K 1.6K 788
                                    

Episode 40

ADI's


"You're late," nakasimangot na bungad sa akin ni Hazel paglapit ko sa table niya.


Naka-red sleeveless siya na drop waist shirt at mini skirt sa pang-ibaba. Naka-doll shoes siya at meron siyang anklet na silver sa kaliwa. Nakakasilaw ang kinang ng diamond necklace niya na tinatamaan ng ilaw mula sa chandelier. Naka-earwire earrings siya na silver sa kanyang magkabilang tainga. Lahat ng waiter dito sa resto ay napapatingin dahil napakaganda naman talaga si Hazel. Napaka-classy pa.


Umupo ako sa upuan sa kabilang side kaharap siya. "Heto." Inabot ko sa kanya ang laptop. "Nandyan na ang book two. I-check mo na lang kung okay sa 'yo."


Napapalakpak siya sa tuwa. "Really?" Kinuha niya iyon at binuksan. Binasa niya ang screen ng laptop matapos niyang buksan ang mga documents doon. Mga ilang minuto rin ng pag-scan nang magsalita siya. "This is good, Adi. I like it." Pagkuwan ay isinara na niya iyon. "All I'm gonna do is to find an editor. Then I'll send this to the publishing."


"Hanggang diyan na lang ang book two. Hindi ko na 'yan madudugtungan pa."


"I know. Ito lang din naman ang need ko." Humugot siya ng cell phone. "By the way, it's my dad's birthday tomorrow. Gusto ko siyang i-surprise with some expensive gifts. Here." Inabot niya sa akin ang kanyang cell phone.


Kinuha ko iyon. "A-ano 'to?"


"Dating gawi. Click my app store there."


Mukhang mamimili na naman siya ng mga branded luxury items online gamit ang royalties namin sa book. Sinunod ko siya.


"Oh, change the address there. Just clear the field and fill out my Dad's address. Matutuwa siya kapag mismong siya ang maka-receive niyan bukas. Pakilagay na rin ang priority send, para talagang bukas sa mismong birthday niya mareceive ang items."


Sinunod ko ang sinabi niya matapos niyang idikta sa akin ang address ng dad niya.


"And then tap may bank account for payment."


Ginawa ko naman.


"Listen, Adi. The publishing sent another payment to my bank account and I'm gonna use it to buy those items in my cart, and you know that, right?"


Napabuntong-hininga ako. "B-bakit mo ba 'to ginagawa?"


Napahalakhak siya nang mahina. "Are you seriously asking me that?"


Hindi ako kumibo.


"That's my book. That's my money. I can do whatever I want with my money, can't I?"


"Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko, Hazel."


"Kung naging mabait ka lang sana sa akin, Adi, hindi sana ito mangyayari. Sana may malaki ka ng pera ngayon. I can give you all the payments, and you know that. You know how generous I am. And you just wasted your chance."

The God Has FallenWhere stories live. Discover now