THREE

38 3 0
                                    

Rosa Mia

GIO BROUGHT ME to his house in the city after they all decided it would be best I stay with him.

Doon ay inalagaan ako ng butler niyang si Jonas. Mas matagal ang paghihilom ng mga injuries ko kaysa kay Gio. Nakakainsulto ngang parang nagdahilan lang siya.

Noong huli ko siyang nakita bago ako nawalan ng malay, he looked dead. His limbs were dislocated in places in painful-looking shapes. His body was mangled beyond repair, and his chest had caved in. I couldn't even begin to describe how his head looked like. Kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala kong parang bungo yata niya yung nabiyak at gray matter yata iyong...

Kinaligkig ako habang nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa kilabot. How could it be possible that he could still heal himself from something so awful?

Ngayon, ni isang peklat ay wala man lang akong makita sa kanya. His head was in perfect shape, his joints were joined securely together, and his chest was as whole and bulky like when I first met him.

He looked as perfect as when I first met him. Creepy perfect. It was a clue to how powerful he was. I could guess the limit of how much I could hurt him until I could control my powers.

Unlimited.

Pero anong mas creepy?

He was wearing my ring on his finger.

I cringed whenever I would remember I held a leash that controlled him. Why would ancient witches even think to do that to someone like him then?

At pumapayag naman ang mga Ancients na ito.

Tanga ba silang lahat noong unang panahon?

Alam ni Gio na hindi ko pa rin siya napapatawad sa pagsusuot niya ng singsing. Hindi ko pa rin siya masyadong kinakausap. Pero wala siya ngayon. O kahapon. Apat na araw na siyang wala. May kailangan daw siyang gawin sa labas. Pagkatapos nang lahat ng mga sumpa ng debosyon, etcetera, may mas importante itong inaasikaso ngayon kaysa akin?

See how creepy things had become? I was missing him something terrible. I had started feeling like a toxic girlfriend. And thinking that would automatically trigger my panic button. Naghanap ako nang ibang gagawin.

Gaya nang pagbabasa sa mga librong iniwan niya sa kwarto ko para pag-aralan. I could barely do much else because I was still physically weak.

I was sitting on a comfortable chair in the sun room right now, looking through the clear glass of big bay windows towards a huge garden of trees, thinking about that last book I had just finished. Gio had a big house with a huge front yard and I believed to be the biggest backyard in that subdivision where wealthiest men in the country owned property.

Kung tatanaw sa hardin sa labas ng mga bintana, ang hirap maniwala na nasa city kami. Napakatingkad nang pagkaberde ng mga halamanan at napakakukulay ang mga bulaklak sa grounds. Nagpapataasan ang matatandang mga punong kahoy. Ilang hilera rin iyong mga nakatanim sa edges ng backyard na humaharang sa konkretong mga bahay at mga buildings sa malayo na makasisira sana sa tanawin.

I once enjoyed the view from the upper floors when I went up there after we got here. Pero iyong sunod na beses na nag-shift ako para makarating doon nang walang tulong, nawalan ako ng malay. Ayaw na nila tuloy akong paakyatin doon ngayon nang walang tulong nila kaya iniiwasan kong umakyat sa taas ngayon.

I felt pathetic being this weak. Kahit nakakapaglakad-lakad na ako kahit sa grounds lang, madali pa rin akong mapagod.

But those weren't really the worse of my worries.

THE WITCHLING: Tierra Firme Book TwoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant