una ; tagalog

30 1 0
                                    

Isa lang ako sa mga bituing nakikita mo
Pero iba ang kakayahan ko
Kaya kitang samahan
Tuwing kakailanganin mo ako

Makikinig ako, kahit kailan pa man
Andito ako, aalalay sa mga desisyon mo
Tutulungan kita, kahit kailangan ko magsakripisyo
Kahit pa iba ang mahalin mo, titignan lang kita sa malayo, sasarilihin ang sakit dahil isa lang ako sa mga tala sa kalangitan mo

Lalapitan ka at yayakapin
Sasabihin sayo na ayos lang, maaari mo syang habulin
Kay sakit marinig na ako ang nasa tabi mo,
pero sya ang hanap mo.
Teka, mali na ata 'to.

Magpapatuloy kahit durog na.
Durog na ang pusong nagmahal lang naman.
Kaya ngayon, aking natutunan.
Wag ibigay ang lahat sa taong hindi ka naman kayang ipaglaban.

Compiled Unspoken Poetry // luvlieszUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum