pangalawa ; tagalog

25 0 0
                                    

Motibo

Sa ngiti mong nakabibihag
Sa mga mata mong kumikislap
Mga ngiti mong nakatutunaw
Tiyak na ako'y nahuhulog na

Ngunit bakit parang nakakapagod?
Tignan ka kahit ang mata mo'y nakatutok sa iba
Magpapansin kahit sa selos ako'y nalulunod
Pero kakayanin basta's ika'y masaya

Isang tanong nalang, hanggang kailan?
Hanggang kailan titiisin ang sakit na nadarama?
Hanggang kailan itong pait ay sasarilihin?
Hanggang kailan isisiksik ang sarili kahit tingin mo' wala akong halaga?

Pagod na ako, mahal ko.
Kung hindi ngayon, kailan?
Kung hindi ako ang tutulong sa sarili, sino?
Pero oo nga pala, aasa pa rin ako hangga't mayroong binibigay na motibo.

Compiled Unspoken Poetry // luvlieszWhere stories live. Discover now