Happy Pill

3 0 0
                                    

Hanggang dito na lang tayo at buo na ang aking pasya
Alam kong matagal mo ng alam na mas mahal ko na s'ya
Pero dahil mahal mo 'ko 'di mo magawang dumistansya
Patuloy ka pa rin sa pagbibigay ng halaga at importansya

Yakap pa rin ang pag-asang manunumbalik lahat sa dati
Pinapanalanging ang puso mo'y mabubuo sa pagkakahati
Inaasahang ako na muli ang magdudulot sayo ng mga ngiti
Labis ka pa ring umaasang masasagip kita mula sa pagkahati

Lahat ng 'yan ay mali ng asahan mo pa't patuloy hintayin
Sikapin mang ipagtuloy ay masasaktan ka lang ako'y ibigin
Kahit sabihing masaya tayo no'ng mga sandali ng simulain
Ay wala na buo na ang desisyon kong sa buhay ko'y alisin

Lahat ng tungkol sayo,mga alaala mo,ngiti mo't tinig
Alam mong 'di ko sinasadyang labis kang sa'kin ay umibig
Na dapat talaga ay hindi,mali na ikaw ay aking pinakilig
Ginawa mong mapasaya ako ngunit hindi mo 'ko napaibig

Isang Daang TulaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora