'Di Na Magiging Magkaibigan

13 0 6
                                    

Hindi na talaga marahil maaari na maging magkaibigan pa
Hindi na talaga siguro pupwede pa na magka-ugnayan pa
Hindi na talaga yata papayag pa na tayo ay magkalapit pa
Hindi na talaga kasi tama at mali na kung aking ipipilit pa

Bakit ba kasi lumagpas pa ako sa kahon ng ating limitasyon
Bakit ba kasi nagpilit pa akong mauwe ang lahat sa relasyon
Bakit ba kasi 'di ko napigilan ang sarili sa tuksong imbitasyon
Bakit ba kasi natangay ako sa kakaibang dulot ng temtasyon

Ng bawat mong pagngiti sa mga sandali na kasa-kasama kita
Nahipnotismo ako ng mahikang tanging sa mata mo makikita
Inakala kong mas magtatagal tayo 'pag sinabi kong mahal kita
Ngunit mali pala ako sa ginawa ko ay mas napalayo lang kita

At tuloyan na ring nasira ang ating masayang pagkakaibigan
Na alam kong hindi na magagawa pang ibalik kahit na kailan
Dahil sa inakalang pag-ibig naisugal ang mas tamang ugnayan
At dahil sa paghihiwalay ay 'di na muli magiging magkaibigan

Isang Daang TulaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora