Chapter 23
HEARTNELLE'S POV
"Mom?"pagtawag ni Bea kay tita Bella
Argh here she goes again, with her bait baitan mode tss.
Sabagay kasama niya nga pala si kuya tss.
Bigla namang dumapo ang tingin niya sakin.
"Heartnelle! Hi!"sabi niya nang nakangiti er, mukha siyang anghel sa ngiting yun pero na-ah bawal magpadala
At bigla niya pa akong niyakap at nakipag beso.
What the? Oo alam kong nagbabaitbaitan siya pero hindi niya ako kailangan yakapin er! Parang kailan lang nung galing kami sa mall ni Ali tss.
Ngumiti nalang ako ng mapait at nanahimik nalang dun.
"Kasama mo ba ang kapatid ko?"tanong niya pa
Nakakairita na pagbabaitbaitan niya ha! Hindi ka talaga maghihinala na masama ang ugali niya.
"Yeah."sabi ko nalang
At dahil nasa likod niya naman si kuya nakita kong inirapan niya ako tss.
"Nasaan siya?"parang excited pang sabi niya
Seriously Beatrice? You can't fool me tss.
"Edi hanapin mo."prenteng sabi ko
Inirapan niya naman ako ulit.
"Puntahan ko muna sila Love ha."sabi niya at hinalikan si kuya sa pisngi
Isa lang ang masasabi ko.
Yuck.
At saktong paghalik niya sa pisngi ni kuya ay siyang paglabas ni Ali sa pintuan.
"Fshie! Sinong kau---"napatigil siya sa pagsasalita nung nakita niya ang scene sa harapan ko
"--ah a-ate u-upo kayo."sabi ni Ali at tinapik ang isa pang sofa para doon umupo yung dalawa
"Hi sister! Where's mom?"sabi niya ng nakangiti ng matamis
"Ah n-nandoon sa loob."
"Sige puntahan ko muna siya ha."sabi niya at nakipag beso rin kay Ali
Seriously? Layo sa totoo niyang ugali ha tss.
For sure sa isip isip niya ay nandidiri siya sa pinag gagawa niya tss.
Hindi lang siya noh!
Umupo naman sa tabi ko si Ali pagkatapos pumasok ni Bea sa pinto.
"Lil sis!"sabi ni kuya ng mahina
Ngumiti naman ako ng tipid
"Wait. Ahh! Magkapatid kayo ni Bea, Ali? Woah, I didn't expect that. What a coincidence."sabi ni kuya habang namamangha pa
Seriously kuya? Bakit ang manhid mo?
"Ah y-yes."sabi ni Ali
"Lil sis! She's my girlfriend. Sa wakas ay nakita mo narin siya!"mahinang sabi uli ni kuya
"Yeah. She's pretty."sabi ko nalang
Totoo naman maganda si Beatrice sablay lang talaga ugali.
Kung alam mo lang ugali niyan kuya hays.
"Ofcou---"
"Oh. Kayong tatlo tara na dito sa loob at kakain tayo ng agahan."sabi ni tita Bella
YOU ARE READING
The Dreamers Series 1: A Dream Love Story
Teen FictionNot every dream comes true. But how about hers? A story of a Simple Girl and an Icy Guy.. (This story is a series and every part of the series is made by a collab AuthoRishT x AuthoRinH)