Chapter One

33 0 0
                                    

ARYAN'S POV

            "Nagdudugo na utak ko sis, ayoko na jusko!" nagmamaktol na sabi ni Tracy habang ginugulo ang mga papel na nasa table namin.

Kakatapos lang ng last subject namin na nag iwan ng napakaraming homeworks.

Pinagpatuloy ko lang ang pagsasagot ko kaya naman ngumuso siya sa harapan ko.

'Gandang babae isip bata'

"Sis let's eat na muna! gutom na ko" nakapangalumbabang sabi niya pa kaya nilingon ko siya sa tabi ko.

"Mauna ka na kailangan kong matapos 'to. Hindi ko na magagawa 'to mamaya" mahinang sabi ko pa at nagtuloy sa pagsasagot. Sa totoo lang hindi ko na alam kung tama pa ba ang mga naiisagot ko dahil nagmamadali na ako

1pm na at hindi pa kami nagla lunch kaya naiintindihan kong gutom na nga siya.

"Yanyan naman e!! Kahit 20 minutes lang?" pamimilit niya pa pero tinawanan ko lang siya.

"Sinong niloloko mo?" natatawang sabi ko pa habang nakatingin pa din sa work book ko. "Alam mo kung gano tayo katakaw tapos 20 mins? Amazing"

Hindi kami napapakali na unti lang ang kinakain at mabagal pa dahil hindi naman kami nawawalan ng pinag uusapan. Lahat ng pwedeng pag usapan ioopen niya lagi. Ganyan si Tracy.

Hindi ko nga maisip kung paano kami naging close dahil magkaiba kami ng takbo ng buhay. Rich kid si Tracy pero hindi mo makikita sa kanya ang pagiging spoiled brat sa sobrang bait niya. Minsan nga nakokonsensya ako dahil madalas talaga lumalabas ang pagka attitude ko lalo na kapag stress na stress na ako. Pero laking pasasalamat ko naman na hindi niya ko iniwan kailanman.

"Sis gutom na talaga ako e" nakasimangot pang sabi niya

"Mauna ka na nga kasi hindi naman kita pinipilit" mahinang sabi ko pa

"Alam mo? Ang bad bad mo super" hinampas niya pa ang balikat ko pero tinawanan ko lang siya.

"Shooo!! Alis na! Go!" kunwaring pagtataboy ko pa sa kanya kaya nagmamaktol na inayos niya ang mga gamit niya at inilagay sa bag niya.

"I'll go na nga! Magpapasama nalang ako kay kuya! hmp!" sabi niya pa sabay tayo na akmang tatalikod na pero humarap ulit siya sa akin " Wait here okay? papadalahan kita ng food kay kuya"

"Hindi na. Sige na alis na ginugulo mo ko hindi ako matatapos dito e" pang aasar ko pa sa kanya kaya tinalikuran niya na ko agad pagkatapos umirap.

'Asar talo amporkchop'

Kahit gutom na din ako hindi na ako pumayag dahil hindi ako kumportable sa kuya niya. Nililigawan ako ng kuya niya. Si Toffer. Hindi ako pumapayag pero tuloy lang talaga siya ng tuloy kaya wala naman akong magawa kundi umiwas nalang.

Dito din siya nag aaral. 3rd year college samantalang 1st year college naman kami ni Tracy.

"Bye sis! take care!" sigaw ko pa pero hindi niya na ako nilingon pa at lumabas na ng room.

'Okay Aryan. Focus na. Focus. Focus.'

Kailangan kong magmadali dahil 3pm ay dapat nandoon na ako sa bahay nila Mrs. Tuazon. Ako kasi ang nagto tutor sa anak niyang 10 years old sa English subject nito.

Binuksan ko ang phone kong nakapatong sa libro sa katabing upuan ko at tinignan ang oras.

'1:27pm'

Sum Of UsWhere stories live. Discover now