Chapter Two

17 0 0
                                    

ARYAN'S POV

"Are you following me?"

Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko habang nakaturo sa sarili. Tumango naman siya kaya napahawak ako sa noo ko dahil hindi ko kinaya ang sinabi niya.

"Ako? Sinusundan ka?" pagkukumpirma ko dahil baka namali lang ako ng dinig

Saan niya naman nakuha na sinusundan ko siya? Kakaiba din naman mag isip ang isang to

"Hindi ba?" napatitig ako sa kanya dahil sa napansin kong parang pinipilit niya lang magsalita.

'Anong nangyari dito? May sakit? Tapos naapektuhan ang utak ganun?'

"I am not" madiin na pagkakasabi ko at napatango tango naman siya

"Okay" maikling pagkakasabi niya lang at humarap na ulit sa door niya at nag swipe ng key card niya.

"Hey" papasok na sana siya pero nilingon niya ulit ako ng tawagin ko siya "Are you okay?"

Kanina ko pa napapansin na matamlay ang mukha niya at parang luluha na ang mga mata niya. Idagdag pa yung namamaos na boses niya

"I am not" panggagaya niya sa sinabi ko pero mas mahina kumpara sa sinabi ko kanina. Masyadong seryoso ang mukha niya kaya ramdam kong hindi nga siya okay.

Tumitig pa siya sakin pero binuksan ko na ang bag ko at hinanap ang pouch ko kung saan may mga gamot. Kumuha ako ng gamot doon at inabot sa kanya. Kita ko naman ang gulat sa mukha niya.

Masama ba magbigay ng gamot?

Tinignan niya ang kamay ko na may hawak na gamot at inabot iyon at binasa kung anong gamot ba iyon

"Matamlay ka at paos kaya tingin ko ay may lagnat ka. Tama ba?" napatingin ulit siya sa akin pagkasabi ko nun. "Pero kung hindi naman, I have more medicine here. Wait" binuksan ko ulit ang pouch ko at tinignan kung ano ano pa ba ang gamot na meron ako

"Hey" napatigil ako sa paghahanap ng tawagin niya ako.

Bakit ganyan siya makatingin? Nagmamalasakit lang ako uy! Bakit parang wirdong wirdo naman siya sakin? Hindi ba ko mukhang normal? wow ah!

"Para ba sa lagnat 'to?" nahihiyang tanong niya at tumango naman ako "This is what I need. Thank you" pinilit niya pang ngumiti kaya tumango ulit ako

"Okay. Get well soonest" sabi ko pa bago ako tumalikod at dumiretso sa room ni Tracy.

Nilingon ko pa si Cullen na nakatingin din sa akin bago ako tuluyang pumasok. I have a duplicate keycard of her room in case of emergency kaya nakapasok agad ako.

"Tracy!!!" sigaw ko pagkapasok at chineck ang loob ng condo niya. Nakita ko naman siya sa loob ng kwarto niya na nakadapa at umiiyak.

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang pisngi niya. "Yanyan!!! Di ko na kaya ang sakit talaga" iyak niya pa

Kumuha ako ng tubig pati ang binili kong gamot at lumapit ulit sa kanya. Naupo ako sa gilid ng kama niya.

"Inumin mo 'to" naupo naman siya at kinuha saakin ang gamot at tubig. " I assume you ate already. Kaya nga masakit yang tiyan mo dahil kain ka ng kain" naiinis na sabi ko pa.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 1am na.

"Titimplahan kita ng milk mo para mainitan ang tiyan mo. Dumapa ka lang diyan" lumabas uli ako ng kwarto niya para magtimpla ng gatas.

Papunta na ako sa kusina niya ng may mapansin akong mga nakakalat na papel sa sofa niya pati na din sa sahig. Nilapitan ko iyon at tinignan isa isa. Napailing ako ng makitang mga pictures ni Tracy yun kasama ang ex niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sum Of UsWhere stories live. Discover now