Kabanata 9
Zephaniah
DAY one of the fucking deal. Hindi pa ako handa! Argh! Paano ko sisimulang landiin si Mr. Tipan? Iniisip ko palang, nasusuka na ako. Help!
Parang ayokong pumasok sa tindahan! Argh! Feeling ko maglulupasay ako kapag sinimulan ko na siyang landiin!
Sinimulan ko nang mag-almusal. Hindi ako mapakali. Gosh!
"Okay ka lang ba, lil sis?" Tanong ni Ate sa akin habang nagsusuklay siya ng buhok niya. Saan naman kaya ang punta nito?
Kumagat ako ng pandesal. "Yeah. Okay na okay." Then, I gave her a fake smile. Madali kasi siyang makahalata kung may iniisip ba ako o may gagawin ba akong hindi niya alam.
Salamat, hindi na siya nag-follow up question.
Ipinasok niya ang suklay sa loob ng bag niya. "Zeph, take in charge of the store. And please... be nice to Isaiah."
Tumango lang ako at umalis na siya ng bahay. Ate and her agenda's. Hindi ba siya nawawalan ng lakad?
Umalis na ako ng bahay at pinaharurot ang Ducati na nasa garahe patungo sa tindahan.
Matagal na akong demonyita pero, bakit ako kinakabahan ng ganito? Dahil ba hindi rin kapwa ko demonyo ang gagawan ko ng masama?
Parang nakakita ng multo ang mga trabahador namin rito. Isang araw lang naman akong umabsent? Hindi ba nila ako namiss?
"G-good m-morning p-po, M-maam Z-zeph." Bati nilang lahat. Ano bang nangyari sa mga 'to?
Tumango lang ako. Hindi kasi ako katulad ni Ate na bumabati pabalik sa mga trabahador niya.
Nagtama ang mga mata namin.
Bigla akong kinabahan. Wag kang kabahan, Zeph!
Nilapitan ko siya, at bumulong sa tainga niya. "Good morning, Mr. Tipan."
Bago pa man siya bumati, pumasok na ako sa opisina. Iniisip ko na kung ano yung susunod kong gagawin. Napaka-challenging nito. Hindi pa naman kasi ako naiinlove sa iba. At hindi rin ako marunong lumandi. Si Lot ang expert sa ganito, hindi ako.
Okay. Nakaisip na ako.
Pinatawag ko si Isaiah mula sa labas. Kaagad naman siyang pumasok sa loob. Sanay na akong nakabalandra ang eight pack abs niya with matching tulo-tulo of pawis.
"Bakit niyo po ako napatawag, Maam?" Tanong nito habang nakatayo sa pintuan.
Iminuwestra ko ang kamay ko para paupuin siya sa monoblock na katabi ko. "Upo ka."
Kaagad naman siyang umupo. Nakatingin parin siya sakin, walang kurap-kurap ng mata. Diretso ang titig. Para akong nalulusaw.
Huminga muna ako ng malalim bago ako magsimulang magsalita. "Ah, Mr. Tipan, pasensya na kung maldita ako sayo ng mga nagdaang araw. Ganun lang talaga ako. Magagalitin talaga ako sa mga lalaki. Sorry rin kung sa tingin mo, pinahihirapan kita. Sana mapatawad mo ako---"
"Maam, hindi niyo na po kailangang manghingi ng tawad. Kahit hindi kayo magsorry, pinapatawad ko na po kayo."
Ngumiti ako na para bang natutuwa rin akong pinapatawad na niya ako. Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi ko.
Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Zeph--"
"Maam, madumi po ang mga kamay ko---"
"Ano ka ba, I don't care kung marumi. Maghuhugas nalang ako."
Inilahad niya rin ang kanang kamay niya sa akin. "Isaiah ." Then, we shake our hands. Naramdaman ko nanaman yung kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Weird.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionHanda na sana ako sa 'calling' sa akin ng Diyos nang makita ko ang babaeng pinatibok ang puso ko. Isang malaking kasalanan kung tatalikod ako sa Diyos at mas pipiliin na mag-asawa. Pero ano nga ba ang susundin ko? Puso o yung 'calling' na para sa ak...