Kabanata 21Isaiah
Ilang linggo nalang, magdedesisyon na akong mamili kung itong buhay ba sa labas ang tatahakin ko o ang pagtawag sa akin ni Ama. Habang mas tumatagal, hindi ko na kaya pang labanan ang tukso, ang tuksong magustuhan ko si Zeph.
Simula nang magpunta kami rito sa Baguio, nag-iba ang ugali niya. Hindi na siya yung Zeph na kilala ko nung nasa Sta. Ines pa kami.
Isang araw na niya akong hindi pinapansin. Hindi naman kami magkaaway pero, bakit hindi niya ako kausapin. May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi tama?
Kumatok ako sa kwarto at nagbabaka-sakali akong pagbubuksan niya ako pero hindi niya binuksan.
"Zeph! Pansinin mo naman ako!"
No answer.
Malakas kong kinatok ang pintuan. "Zeph naman! Let me in!"
"AYOKO!" Sigaw niya.
"May nagawa ba akong mali?"
"MERON!"
"Ano naman iyon?"
"Ayokong sabihin."
"Buksan mo na kasi yung pinto para mapag-usapan natin yung nagawa ko sayo, please?"
"AYOKO PARIN."
Ayaw mo ha? Bumaba ako mula sa unang palapag upang maghanap ng hairpin o alambre. Sakto at nakakita ako ng alambre at kaagad akong bumalik sa kwarto. Ipinasok ko ang alambre sa doorknob at hindi ako nagkamaling mabuksan iyon.
Gulat ang ekspresyon niyang nakita ako at umayos siya ng higa sa kama. Nilock ko ang pinto at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng kama at tinignan siya. "Anong nagawa ko, Zeph? Sabihin mo na, parang mababaliw na kasi ako kakaisip kung ano bang kasalanan ko sayo. Sa totoo lang, isang araw kitang hindi makausap, nababaliw na talaga ako. At hindi ko alam kung bakit."
"Edi mabaliw ka kakaisip." Aniya at nagtakip ng kumot. Hayan nanaman ang dating Zeph na masungit.
Tumabi ako ng higa sa kaniya. "Zeph naman...hindi ako manghuhula. Kaya please? Sabihin mo na. Ayokong hindi tayo nagpapansinan. Tayo na nga lang tao rito sa bahay eh, tapos magkaaway pa tayo."
Hindi siya umimik. Kung ayaw niya talaga akong kausapin, hahayaan ko nalang siya. Baka kasi mayroon siyang period kaya ganiyan siya.
"Sandali...."
Lumingon ako sa kaniya at kaagad siyang nilapitan. Nakaramdam ako ng tuwa, tuwang ngayon ko lang naramdaman.
"Pag-usapan na natin, please?" At hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. "Ano bang nagawa ko?"
Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Para akong malulusaw sa uri ng tingin na ginagawa niya.
"Isaiah...may pag-asa ba ako? Sabihin mo na kaagad kung wala para naman hindi ako umaasa."
"Anong pag-asa?"
Hinampas niya ang braso ko. "Ang hina mo naman. PAG-ASA!"
"Ah. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration?"
"Gago, mali----"
Sinunggaban ko kaagad siya ng halik. "I said, don't cuss or else wala kanang suot mamaya." At hinampas niya ako ulit sa braso.
"Ayun naman talaga meaning ng pag-asa ah?"
"Hay nako Isaiah Luke, lumayo ka sakin dahil nagdidilim ang paningin ko sayo."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Didilim ang mundo ko kapag tuluyan na akong lumayo sayo."
"What do you mean?"
Pinangunahan nanaman ako ng takot. "W-wala, banat ko lang 'yon. Ayos ba?"
"Umalis kana nga! Napaka-pafall mo talaga!"
Naawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Nafafall kana ba sakin, Zeph?"
Kinalas niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Hindi ah. Bakit naman ako mahuhulog sa isang pari?" Tanong niya. Halatang nagdedeny siya, parehas lang pala kami.
"Kung hindi ka nahuhulog, bakit tinanggal mo yung kamay ko sa kamay mo?" Kinurot ko ang pisngi niya. "Crush mo ako ano?"
Kinurot niya ako sa tagiliran. "Neknek mo! Bakit naman ako magkakagusto sayo?"
"Sus. I-deny mo pa. Bahala ka, baka bukas wala na ako dito sa Baguio, nasa simbahan na ako."
Kita ko ang pag-iiba ng mukha niya. Bigla siyang lumungkot pero kaagad naman siyang ngumiti. Ang galing talaga ng mga babae magpretend.
"Edi pumunta kana doon." Sabay takip ng kumot. Susuyuin ko nanaman siya.
Pero bakit ko nga ba kailangan siyang suyuin? Kung dati nahahayaan ko pa siyang maging ganyan, ngayon parang ayokong ganyanin niya ako.
Mahal ko na nga ba siya?
Pero mali, maling magkagusto ako sa kabaligtaran na kasarian.
Hindi naman siguro masama kung magmamahal ako? Kaso saan naman patutungo 'to?
"Edi pupunta na ako---"
"Isaiah naman eh! Kung hindi pafall, manhid. Nakakainis kana talaga! I hate you!"
Tumahimik muna ako saglit. Pinakatitigan ko ang mukha niya. Iniisip ko palang na kapag pinagpatuloy ko na magpari ako, mukhang hindi ko kakayanin. Ito na nga ba yung sinasabi ni Father sa akin na kaya raw hindi na bumalik ang iba dahil mas pinili nilang mag-asawa at bumuo ng pamilya?
"Diretsuhin mo nga ako, Zeph. Mahal mo ba ako?"
Ngayon, siya naman ang tumahimik. Iniyuko niya ang ulo niya at tinitignan ang dalawang kamay. Inangat ko ang ulo niya para makita ko sa mga mata niya kung mahal niya ba talaga ako. Pilit siyang nag-iiwas ng tingin.
"H-hindi kita mahal." Aniya.
"Kung hindi mo ako mahal, bakit hindi ka makatitig sa akin ng diretso?"
"Wala kana doon."
Ayokong mag-assume. Gusto kong sa bibig niya manggaling na mahal niya rin ako.
Bakit minsan ang hirap basahin ng mga babae? Una masaya sila tapos biglang lulungkot, magagalit ng walang dahilan. Hay nako, pasalamat nalang talaga ako at hindi ako naging babae.
Ayaw naman niya akong diretsuhin, bahala na. Kinuha ko ang comforter at nilatag ko iyon sa tabi ng kama. Humiga ako at tumitig sa kisame. Maraming pumapasok sa isip kong mga tanong na tanging si Zeph lang ang makakasagot.
"Nagugutom ka na ba--"
Tatanungin ko sana siya kaso ang himbing na pala ng tulog niya. Tumayo ako at lumapit sa kinahihigaan niya. Tumabi ako sa kaniya ng higa at pinagmasdan ko ulit ang mukha niya. Sa ganda niyang iyan, sinong hindi mahuhulog? Siguro kung naging mabait lang siya sa akin nung una, siguro mas nahulog ako lalo sa kaniya. Naalala ko pa nga nung una ko siyang makita sa misa, ang ganda niya 'non. Halos hindi na nga ako makapagfocus sa kantang kinakanta namin dahil napukaw niya ang atensyon ko. Gusto ko rin itanong kung bakit hindi siya kumain ng ostia?
"Zeph... kung alam mo lang, naguguluhan narin ako." Bulong ko. Hindi naman kasi kapwa tao ko ang makakalaban ko rito, si Ama, siya ang makakalaban ko.
At ngayon ipagdadasal ko na kung para talaga sa akin si Zeph, edi para siya sa akin, iingatan at mamahalin ko siya. Hindi ko hahayaan na makita nanaman siyang umiiyak. This time, pasasayahin ko siya hanggang sa makauwi na kami ulit sa Sta. Ines.
BINABASA MO ANG
Beautiful Angel
General FictionHanda na sana ako sa 'calling' sa akin ng Diyos nang makita ko ang babaeng pinatibok ang puso ko. Isang malaking kasalanan kung tatalikod ako sa Diyos at mas pipiliin na mag-asawa. Pero ano nga ba ang susundin ko? Puso o yung 'calling' na para sa ak...