MAKAKAASA

699 23 0
                                    

Yaz feel be like

Kahit na ayaw,
Kailangan ng bumitaw,
Bakasakaling balang araw,
Magkaroon na ako at ikaw.

Pagod ng masaktan,
Puso masyado ng sugatan,
Pero 'di kita kakalimutan,
Makakaasa na 'di kita papalitan.

Tanggap ko ang iyong galit,
Sarili pagod na rin akong ipilit,
Magkakasakitan lang tayo ng paulit ulit,
Aasa na lang na mamahalin mo ulit.

Paalam na sa 'yo aking mahal,
Pasensya ka na hindi na ko magtatagal,
Masyado na kong napapagal,
Magpapahinga ngunit makakaasa ikaw ang minamahal.

Isa't isa ay kailangan na nating palayain,
Hindi ibig sabihin kakalimutan ka rin,
Hayaan muli natin sarili ay mabuo,
Para masabi na handa na muli tayo.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu