KAPALARAN

340 5 0
                                    

Yaz feel be like

Bumabalik ako sa umpisa,
Umpisa na tangang umaasa,
Pinagmamasdan ka mula sa malayo,
Handang gawin lahat para sa 'yo.

Nakaupo sa isang tabi tahimik lumuluha,
Pinagmamasdan ang masaya mong mukha,
Nawala na ang nakasanayang ingay,
Mauubos na nga ba ang kaya pang ibigay.

Nakakaya ka pang pagmasdan,
Natatakot na ikaw ay sundan,
Natatakot sa nababasa sa iyong mga mata,
Nangangamba sa bibitawan mong salita.

Mananahimik na lamang sa isang tabi,
Pinipigilan ang paglakas ng hikbi,
Kinakaya na ika'y talikuran,
Ito na yata aking kapalaran.

Kapalaran na ika'y makilala,
Maging bahagi ng iyong alaala,
Kapalaran na isuko ka tuluyan,
Pero patuloy kang susubaybayan.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Où les histoires vivent. Découvrez maintenant