• • •
‘Respetong Hinahangad'"I'm home!"
My laugh suddenly faded when I heard his voice. Kaagad akong nilukuban ng galit at pagkasuklam.
"Oh? Bakit natagalan ka?" Tanong ni mama at sinalubong siya ng halik.
"May pinagawa pa kasi ang boss ko," sagot niya at umupo sa sofa'ng inuupuan ko.
Kahit na may kalayuan siya sa akin, tumayo parin ako at umalis roon.
I hate being near him.
"Sa kwarto lang ako, Ma," pagpapaalam ko kay mama ng hindi siya nililingon.
I don't want to look at her. Alam kong nakatingin na siya sa akin ng masama ng dahil sa iniasta ko.
-----
"Kamusta ang pag-aaral mo, anak? Okay lang ba?" Tanong niya.
Pinilit kong tumango. Hindi ko siya tinignan at nanatiling abala sa cellphone.
"Wala ka bang assignment? Baka mamaya hindi ka pa nakakagawa, cellphone ka ng cellphone diyan."
FC lang?
Hindi ko siya sinagot. Ramdam ko ang matatalim na tingin ni mama sa gilid ko. Marahil hindi nagugustuhan ang ugaling pinapakita ko.
"May kailangan ka ba, Stephany? Sabihin mo sa akin para maibigay ni papa."
Marahas akong bumuga ng hangin sa inis. Hindi ba siya marunong makiramdam? Siguro naman halatang ayaw ko siyang kausap diba? Napakalaking bobo naman.
"Oh. Huwag kang ganiyan. Nagtatanong lang naman ako," sabi niya ng makita ang reaksiyon ko, tila nagsisimula ng magalit sa inasta ko.
Napairap ako ng sa wakas ay lumabas siya. Sinamantala naman iyon ni mama para pagalitan ako.
"Hindi ko talaga alam kung paanong lumaki kang parang demonyo. Ang sama sama ng ugali mong bata ka! Kinakausap ka ng maayos pero ganiyan ka umasta? Pasalamat ka talaga at mahal ka ng papa mo!"
Muli kong pinaikot ang mata ko.
"Hindi mo ba nakikita ah?! Lahat ng hinihingi mo, binibigay niya sayo!"
Kailan pa ako humingi? Hindi ba't ikaw ang humihingi ng mga iyon? Ginagamit mo lang ang pangalan ko
Gusto kong sabihin iyon pero itinikom ko nalang ang bibig ko.
"Kapag nagpapaalam kang gumala o mag- sleep over sa mga pesteng kaibigan mo pinapayagan ka niya kahit labag sa loob niya! Para lang mapalapit ang loob mo sa kaniya!" nanginig ang boses niya.
"Mahal na mahal ka ng papa mo, Steph! Lahat ng luho mo, binibigay niya dahil importante ka sa kaniya! Mas mahal ka pa nga non kaysa sa mga kapatid mo. Sayo lang siya ganiyan tapos tatratuhin mo na parang ibang tao? Ni hindi mo siya nirerespeto bilang ama mo!"
Pagak akong tumawa at hindi siya pinansin.
Napatigil lang ako ng malakas niya akong sinampal sa pisngi.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko para maputol iyang sungay mo. Napaka sama ng ugali mo," galit na sabi niya bago ako iniwan.
Ilang beses na niya akong napagsabihan tungkol sa ugali ko. Hindi lingid sa kaniya na kinasusuklaman ko ang 'asawa' niya. Naroon si mama sa tuwing iniiwasan kong magpahawak o mapalapit man lang ng kaunti sa kaniya. Naroon siya sa tuwing napapakitaan ko siya ng magaspang kong ugali, gaya nalang kanina.
I laughed without humor. Pinunasan ko ang mga luhang umagos sa sakit ng sinabi at ginawa niya. Pinilit kong alisin iyon sa utak ko pero paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip ko.
"Where's your mom?" Tanong niya sa akin ng makabalik.
Hindi ko siya pinansin at naglakad papunta sa kwarto namin ng kapatid ko.
Madaling araw iyon ng magising ako na parang may humahawak sa mga pribadong parte ng katawan ko.
Sa halip na makaramdam ng kaba at takot, mas nanaig ang galit at pagkasuklam sa akin.
Madilim ang silid namin pero sapat na ang liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana para malamang may ibang taong pumasok sa silid namin. Mabilis iyong lumabas ng makitang naalimpungatan ako.
Napaupo at mariing hinawakan ang kumot na nakapatong sa akin. Kahit na mainit sa silid, hindi ako kailanman natulog ng walang suot na mahabang pang ibaba at malaking damit, idagdag pa ang makapal na kumot.
Hindi ko napigilang mapahikbi sa labis na awa sa sarili at galit sa kaniya.
Paano, Ma?
Paano ko siya irerespeto bilang ama ko, kung hindi niya ako nirerespeto bilang anak niya?
°°°°°°°°°°
Shade the star if this story touched your heart. You can leave a comment for me to know your reaction. Thanks for reading! Have a nice day ahead! 😊
YOU ARE READING
Mind Pieces: A Compilation Of Short Stories
Teen FictionThis is the compilation of my One Shots stories that I originally wrote and posted on my Rp/writer account on Facebook. If you're finding for a story that you can finish within a single amount of time, this is the best book for you! It contains a di...