• • •
'Pagkakataong Nasayang.'"Let us all congratulate our dearest friend for her upcoming beautiful wedding!" masayang panguna ng isa naming kaibigan.
He stands and raised the glass of wine. We followed him and laughed in unison.
"Cheers!"
"Thank you, guys," mahinhing tawa ni Mace sa tabi ko.
We're currently at the beach. Nakapalibot sa bonfire na pahirapan naming ginawa kanina. All our friends are here. Celebrating the upcoming wedding of our friend, Mace.
Ang kaibigang pinahahalagahan ko, iniingatan, at lihim na minamahal.
Nginitian ko siya ng dumapo ang tingin niya sa 'kin.
"Kinakabahan ako. Feeling ko may gagawin silang hindi ko magugustuhan," kabadong tawa ang pinakawalan niya.
"Let them. Huling araw na naman, pagbigyan mo na sila. Sa susunod na araw, magiging busy ka na sa magiging asawa mo." sinubukan kong pasayahin ang boses ko. Kahit na ba unti unti kong nararamdaman ang sakit sa puso ko.
"Since magiging busy ka na at paniguradong hindi na masyadong makaka-attend ng mga pagtitipon natin. Sulitin na natin 'to. Let's play a game!" Masayang sabi ni Waren.
"Let's play truth or dare for the last time!" Suhestiyon ni Angelie.
"I knew it," naiiling na tawa ni Mace.
"Anong kinakatakutan mo? May itinatago ka pa ba sa 'min?" Birong tanong ko sa kaniya.
Umiling lang siya at tumawa.
Lumipat kami ng pwesto. Umalis sa may bonfire para mas magkalapit at maipaikot ang bote sa gitna. Pinaikot ang bote at tumapat sa isa naming kaibigan.
"Truth ako!"
"Oh sige. May gusto ka ba sa mga kasama natin ngayon?" Tanong nila sa kaniya.
"Ano bang klaseng tanong iyan? W-Wala siyempre! Ang papangit niyo kaya!" Kaagad umapila ang ilang lalaki sa 'min.
Siniko ako ni Mace. "Naging crush niya si Andrei dati. Pati ikaw," pambubuking niya sa kaibigan namin.
Natawa siya ng makita ang reaksiyon ko. "Shhh. Huwag mong sasabihin."
Bilin niya. Umiling nalang ako at tinignan siyang tumatawa.
"Oy Mace, ikaw na ang next," tawang sabi ni Lea.
"Ang daya niyo! Hindi ko nakitang pinaikot niyo ang bote."
"Busy ka kasi sa pagtawa at pag usap kay Drian." Paninisi pa nila.
"Oh sige. Truth nalang."
"Umamin ka. May nagustuhan ka ba rito sa mga kaibigan natin?" Sabi ng isa naming kaibigang babae.
"Bakit ba puro ganiyan ang tanong niyo?"
"Pakialam mo ba?"
Natawa kami ng walang masabi si Waren.
"Ano na, Mace? Okay lang umamin! Ikakasal ka na rin naman bukas. Katuwaan lang."
Tinignan ko siyang mahinang tinatawanan ang nangyayari. Tahimik akong naghihintay sa sagot niya. Napatingin siya sa 'kin bago tinignan ang iba.
"Meron."
Sagot niya dahilan kung bakit nag ingay ang iba.
"Sino?!" Halos tanong nilang lahat.
"Ang daya niyo. Isang truth lang!"
"Dali naa! Ikaw ang pinaka focus ng larong ito," sabi nila sa kaniya.
Tahimik lang akong nakamasid at pinagmamasdan sila. Ramdam ko ang kaba ko habang tahimik na naghihintay. Mas dumoble pa ata ng isang beses pa siyang tumingin sa'kin at umiwas.
"Si... Drian."
Sa sinabi niyang iyon, bumilis ng malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko.
"Gusto... mo 'ko?" Hindi ko napigilang tanong ko.
Ngumiti siya sa 'kin at tumango.
"Mag kuwento ka, Mace!"
"Ano ba iyan," nahihiyang sabi niya.
"Dali na. Pa- showbiz 'to masyado. Kailan iyon?"
"Uh... medyo matagal rin. Umabot ng ilang taon," mahinang sabi niya ng hindi tumitingin sa 'kin.
"Bakit mo siya nagustuhan?"
"Siyempre, sino bang hindi nagkakagusto rito?" Turo niya sakin at tumawa. "Mabait, maalaga, gentleman."
"Bakit hindi mo sinabi," nanghihinang sabi ko.
"Baka kasi iwasan mo ako. Ayokong masira 'yong pagkakaibigan natin. Tsaka isa pa, umaasa rin kasi ako noon na baka gusto mo rin ako kaya hindi ako umamin. Hinihintay kita, kaso mukhang wala ka namang nararamdaman para sakin e. Ikaw kasi, masyado kang mabait, umasa tuloy ako," natatawang sabi niya. "Pero okay na ngayon. Tapos na naman, hayaan na natin."
Halo-halo ang nararamdaman ko sa inamin niya. Paghihinayang, lungkot, pagsisisi.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Masaya siyang nakikipagtawanan. Parang wala na sa kaniya ang inamin niya kanina. Oo nga naman, lumipas na iyon. May iba na siyang nagugustuhan ngayon.
"Next... Drian!"
"Ikaw naman. May nagustuhan ka ba rito? Naging crush? Minahal?"
Tipid akong ngumiti sa kanila. "Meron." nanghihinang sabi ko.
Saglit nawala ang tawanan nila, para siguro mas marinig ang sagot ko.
"Sino? Naging crush mo ba? Like o love?"
"Mahal..."
Mas lalo silang natahimik sa sinabi ko. Kita ko ang ilang tinginang binibigay nila sa isa't isa. Napatingin ako kay Mace, na seryosong nakatingin sa 'kin.
"S-Sino?" Mahinang tanong nila.
Hindi ko inalis ang tingin ko kay Mace. Rinig ko ang ilang singhapan ng kasama namin. Sa palagay ko... kahit hindi ko sabihin alam na nila.
"Si Mace," mahinang sagot ko. Nginitian ko si Mace ng makita ang gulat sa mga mata niya. Bahagya ring nakaawang ang bibig niya.
Wala akong narinig na kantiyawan. Nanatili lang silang tahimik. Nailang siguro sa inamin ko.
Masakit na noon ng malaman kong wala akong pag asa sa kaniya, na hindi ko siya pwedeng angkinin at tawaging akin.
But knowing that I had a chance... but I didn't had enough courage to try, hurts me even more.
°°°°°°
YOU ARE READING
Mind Pieces: A Compilation Of Short Stories
Teen FictionThis is the compilation of my One Shots stories that I originally wrote and posted on my Rp/writer account on Facebook. If you're finding for a story that you can finish within a single amount of time, this is the best book for you! It contains a di...