PROJECT LOKI ONESHOTS: LORELEI vs QED 4

2.8K 73 15
                                    

Part 2

"Are you high?!" Iritang sambit ko. "You want me to join your club for what? Para madali mo akong asa—"

"You choose. Will you join my club and I will make sure that you'll be safe here or you'll let whoever this bastard ruin your highschool life? Choose wisely." He spoke continuously. Sandali akong napatitig dito.

Talaga bang seryoso s'ya sa inooffer n'ya? Pwes, I wouldn't accept it. Never in my life did I imagine that i'll be joining this detective club. I am no detective and I will never be. 

"My day is already ruined, thanks to you by the way." I answered. Dumiretso na ako sa may pinto at hinawakan ang door knob. But before I could open it I looked at him over my shoulder. "But I won't accept your offer."

Mabilis akong lumabas sa kwartong iyon. As soon as I went out from that suffocating room my shoulder blades are now relaxed. Nakakahinga na rin ako ng maluwag.

I wish our paths will never cross again! Never ever again.

Pagkatapos ng klase ay diretso na akong umuwi sa apartment. Nadatnan ko pang nagvavacuum si tita Martha pagpasok ko.

"Tita!" I greeted. Lumapit ako rito at nagmano. Saglit naman itong napatigil at bumaling sa akin.

"May bisita ho ba tayo at naglilinis ka?" Tanong ko habang nilalapag ang aking gamit sa sofa. I yawned.

Isa nanamang nakakapagod na araw.

"Hay naku ikaw talagang bata ka! 'Di ba sinabi ko na sa iyo na may bago ka ng magiging room mate? Ngayon ang lipat n'ya rito." I rolled my eyes. Bakit ba kasi dito pa?

"Ah talaga ho?" I tried to sound so excited. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig.

Matapos umalis ni tita Martha ay nagshower muna ako. Whoever that person is, sisiguraduhin kong may rule s'yang dapat sundin. Ako ang nauna rito kaya ako ang masusunod.

Binalot ko na ng tuwalya ang aking katawan. Ang sarap sa pakiramdam makapagshower. I felt relaxed now. Naghum ako ng paborito kong kanta habang palabas ng banyo.

Nadatnan kong may tao na sa sala at naglilibot ng tingin. He was manuevering around the sala, touching every furniture that his fingers could reach.

"Hi!" I greeted. Nagdire-diretso lang ako sa pag-lalakad. Ngunit agad din akong napahinto nang may marealize ako.

"S-sino ka?!" I shouted while pointing my finger at that human. That person slowly turned in my direction. My eyes widened when I recognized who that man is. Our eyes met.

"Anong ginagawa mo rito?!" Pagulat kong tanong.

"Oh." He greeted coldly. Bahagyang nagulat din ito nang makita ako rito. He must be wondering why I am here. He looked at me from head to toe. I did the same.

What the hell is happening here?

"Oh Lorel- Ay!" Napalingon kami kay tita Martha na kapapasok lamang ng pinto. Nakapamewang itong humarap sa akin. She glared at me- or I must say on my body. Sinundan ko ang kanyang tinitignan.

Oh, my gosh! I am still in my towel! Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at nagpalit ng damit.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sa akin si tita Martha na nakangiti habang kinakausap ang unexpected guest namin.

"S'ya nga pala," she stood up when she saw me. Pinalapit n'ya ako sa tabi n'ya. "S'ya ang pamangkin kong si Lorelei. S'ya ang magiging roommate mo."

"Ano?" I protested. I looked at my aunt with disbelief. Is she serious?! Bakit lalaki ang magiging bago kong room mate?

Project Loki: A Mendez X Rios FanfictionWhere stories live. Discover now