Mommy at Eighteen
By: JlessbiiiiimNapatingin kami sa bungad nang sala nang pumasok doon si kuya Sic kasunod si Kenzie.
"My God, Sheena. Nandito ka lang pala. Hindi ka man lang nag paalam na aalis ka at dinala mo pa ang sasakyan ko," asik ni kuya Sic, nag aalala.
"Alam mo bang alalang alala kami sa 'yo. Akala namin napano ka na. Mabuti na lang at na track namin ang sasakyan ni Sic," segunda naman ni Kenzie.
"Pasensya na," naguguilty na sambit ko.
"Pero teka, nandito ka?" naguguluhang tanong ni kuya Sic, hindi makapaniwalang nandito ako sa mansyon at kasama ko pa sina mommy at daddy. "A-are you guys okay?" dagdag pa niya
"Yes. Narealize namin ng daddy niyo na malaki ang kasalanan namin sa kapatid niyo. And we're sorry dahil hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi namin siya tinakwil noon," sincere na sabi ni mommy
Ngumiti si kuya "That's great. Mabuti naman at okay na kayo,"
"Si Zaiah na lang ang kulang para tuluyan maging okay ang lahat," nalulungkot kong sambit. Nararamdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko. Ang kagustuhang makita si Zaiah. Hindi ko namalayang basa na pala ang pisngi ko dahil sa luha.
"Hush, we'll find here," malumanay na saad ni Kenzie, pinapalakas ang loob ko na ikinangiti ko.
Tatayo na sana ako nang makaramdam ng kakaiba. Nanghina bigla ang katawan ko at parang umiikot ang paligid, nawawala rin unti unti ang pandinig ko. Nahihilo ako. Ramdam ko ang unti unti kong pag bagsak at ang bisig na sumalo sa akin. Bago pa man ako nawalan ng malay, nakita ko ang mukha ni Kenzie na nag aalala. Then everything went black.
-
Nagising ako dahil sa kumakalam ang sikmura ko.
Nagugutom ako.
Unti unti kong minulat ang aking mga mata para masanay ito sa liwanag. Tumambad sa akin ang pamilyar na kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid. Kulay rosas na dingding, kurtina, couch, kahit ang hinihigaan ko ngayon ay kulay rosas. Wala sa sariling napangiti ako. Hindi ako makapaniwala, walang pinag bago ang silid na ito. Ang aking kwarto.
Dahan dahan akong bumangon. Ramdam ko ang sakit ng balikat ko at ulo. Ngunit medyo magaan na ang pakiramdam ko sa aking katawan dahil nakapag pahinga na ako. Bumaba ako ng kama at inayos ko ang aking sarili bago bumaba.
"Hindi pa ba gising si Sheena?" boses iyon ni kuya Sam
"She's not awake yet. Na dehydrate ang katawan niya at masyadong napagod kaya nawalan siya ng malay," sagot ni daddy
Hindi pa ako nakakapasok ng sala pero rinig na rinig ko na ang kanilang usapan. Naabutan ko sa sala ang pamilya ko at si Kenzie. Napatingin sila sa akin nang makapasok ako sa sala.
"Sheena, you're awake," nagagalak na saad ni mommy
"How are you feeling, anak?" tanong ni daddy
"I'm fine,"
"Mabuti at gising ka na. I have a good news," panimula ni kuya Sam.
Lumapit sa akin si Kenzie at inalalayan ako paupo sa couch, tumabi rin siya sa akin.
"Spill it, kuya," hindi makapag hintay na sabi ko.
"May lead na kami sa kinaroroonan ni Zaiah,"
Parang sa isang iglap, nabuhay ulit ang katawan ko. Sobrang saya ko dahil nangangahulugan ito na malapit ko na ulit makasama ang anak ko.
"Pinuntahan namin ni Kenzie ang baranggay para tignan ulit ang CCTV camera. May duda kasi akong hindi nakidnap ang anak mo dahil kung nakidnap man ito, dapat ay matagal nang may tumawag sa atin. Sira ang CCTV camera malapit sa bahay niyo. Pero chineck namin ang iba pang CCTV sa baranggay. At nakita namin si Zaiah na nag lalakad sa isang kanto, parang nawawala siya. May isang kotse ang huminto sa harap niya at isinakay siya. Nakuha namin ang plate number ng kotse at tinrace namin iyon. And we found the owner of the car," sabi ni kuya Sam.
"Sino ang may ari ng sasakyan?" hindi makapag hintay na tanong ko
"It's your ex's car. Snow's dad," si Kenzie ang sumagot.
Si Joros? Siya ang nakakita kay Zaiah? Pero kung nakita niya si Zaiah, bakit hindi niya inuwi ang anak ko? At bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Biglang uminit ang ulo ko.
Tumayo ako at tumingin sa kanila "Puntahan na natin ang anak ko," sabi ko
-
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Naglalaro si Zaiah sa kanyang bagong dollhouse na binili ng kanyang daddy Joros. Mayamaya pa ay nawalan na siya ng ganang mag laro. Inilapag niya ang kanyang doll sa sahig at tumayo saka nag bukas ang pinto ng silid kung saan siya naroroon. Iniluwa ng pinto si Joros.
"Oh? Zaiah, where are you going?" tanong ni Joros.
Ngumuso si Zaiah "I wanna go home," sagot niya
Nangunot naman ang noo ni Joros na nilapitan si Zaiah "But you are already home,"
"No. I want to see mimi and dada,"
Biglang uminit ang ulo ni Joros nang marinig mula sa anak na gusto nitong makita ang kanyang dada na si Kenzie. Nagtagis ang kanyang mga bagang dahil sa galit. Galit na hindi niya kayang pigilan. Hinawakan niya sa parehong balikat ang anak at tumingin ng masama rito.
"Ouch!" daing nang bata dahil sa higpit ng pagkaka hawak ni Joros sa kanyang balikat.
Nagngingit ngit sa galit niyang mas diniinan ang pag kakahawak sa balikat ng bata, ngunit hindi iyon pansin ni Joros.
"I am your daddy, ako lang ang daddy mo at wala ng iba. Hindi si Kenzie kung hindi ako lang!" sigaw niya sa mismong mukha ng bata na ikinatakot nito.
Napaiyak si Zaiah dahil sa takot at sa sakit dala ng higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang balikat.
"I want to see mimi and dada," umiiyak na sambit ng bata.
Napapikit si Joros dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Nang mag mulat siya ay binitiwan niya ang bata kasabay ng pag dapo ng kanyang kamay sa pisngi nito. Lumikha ng ingay ang pag dapo ng palad niya sa pisngi ng bata. Dahil sa lakas ng sampal at bata lamang si Zaiah, tumilapon ito at nadapa sa sahig. Umiyak ng umiyak si Zaiah matapos siyang sampalin ng kanyang ama.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang ginang na nasa 50 anyos.
"Joros! Anong ginawa mo?" gulat na tanong ng ginang nang makita si Zaiah na nakadapa sa sahig habang malakas na umiiyak. Nilapitan ito ng ginang at tinayo. "Diyos ko, ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong nito sa bata at pilit pinapatahan.
Ngunit sadyang masakit ang ginawa ni Joros sa kanya kaya hindi niya magawang tumahan.
"I want to see mimi and dada," muling sambit ng bata
Napansin ng ginang na namumula ang parehong balikat ng bata at maging ang pisngi nito.
"Joros, ano na namang ginawa mo sa anak mo?" hindi makapaniwalang tanong ng ginang.
"Ma, hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng emosyon ko," parang sa isang iglap lang ay nag bago ang emosyon ni Joros. Ngayon ay niyayakap niya ang kanyang anak ngunit pilit na nagpupumiglas ang bata dahil sa takot na siya sa ama.
"Bakit mo na naman sinaktan ang anak mo?" tanong ng ginang.
Umiling si Joros. Hindi lang ito ang unang beses na nasaktan niya si Zaiah. Mabilis kasi siyang magalit at hindi niya kayang pigilan iyon.