TWENTY SEVEN

1.3K 24 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim


"Hehehehe"

"Shhhh. Quiet, baby. You might wake her."

"Okay, dada. Hehe."

Bahagya akong naalimpungatan dahil sa bulongan na iyon, ngunit hindi muna ako nagmulat dahil inaantok pa ako. Boses iyon ni Kenzie at Zaiah. Naghahagikgikan sila na animo'y lamok sa pandinig ko. Tuloy ay hindi na ako makabalik pa sa pagtulog kaya nag mulat na lang ako. Ngunit nangunot kaagad ang noo ko nang makita ang cellphone na hawak ni Zaiah.

"Are taking pictures of me while I'm asleep?" Nakakunot pa rin ang noo ko.

"Hehehe. It is dada's idea, Mimi," panglalaglag ni Zaiah kay Kenzie na sinabayan pa ng hagikgik, inosente sa mga pinagsasabi niya.

Tinignan ko si Kenzie, hindi makapaniwalang tumingin kay Zaiah. Hindi niya yata inaasahan na ilalaglag siya ng anak niya.

Sinamaan ko siya ng tingin "Nakakadalawa ka na sa akin, ah!" asik ko, ang tinutukoy ay 'yong tungkol sa pananakot niya sa akin ng octopus. Bumangon ako "E-delete mo 'yan."

"Ayoko nga. Ang cute mo kaya dito. Mas cute ka kapag tulog," ngumisi pa siya.

Nagsisimula na akong mainis "Kenzie," may pagbabanta sa boses ko "Umagang-umaga huwag mo akong inisin. Binabalaan kita kapag hindi mo dinelete 'yan, babalik ka ng Pilipinas ng wala sa oras," may diin kong sinabi.

Nagkamot siya ng ulo sa kawalang magawa "Fine! Sayang naman," pinanuod ko siyang nagtutoplok sa cellphone niya.

"Tingin?" mataray kong sabi saka kinuha ang cellphone sa kanya at tinignan ang gallery niya. Nang wala na akong makitang mukha ko na natutulog ay sinauli ko rin sa kanya. Ang totoo ay nahihiya ako sa itsura ko dahil baka tumutulo na ang laway ko o baka nakanganga na ako at kung anu-ano na ang mukha ko kanina. "Pinaligoan mo na si Zaiah?" tanong ko matapos.

"Not yet. Kakagising pa rin kasi namin."

"Okay. Ako na ang magpapaligo sa kanya," bumaba ako ng kama. "Let's go to the bathroom, baby," sabi ko kay Zaiah.

"Ako na lang ang magpapaligo sa kanya, Sheena," pagpeprisinta ni Kenzie.

Umiling ako "Huwag na. Masyado nang nakakahiya sa 'yo, Kenzie. Ako itong ina ni Zaiah, tapos ikaw itong gumagawa ng dapat sanay responsibilidad ko bilang mommy niya."

"Sheena, alam mong hindi na iba sa akin si Snow. Anak na ang turing ko sa kanya."

"Pero, Kenzie. Masyado nang nakaka-abala sa 'yo. Halos ikaw na nga 'yong nag-aalaga sa kanya simula nang dumating tayo dito, eh," nahihiya kong sabi.

Halos sa kanya na lumalapit si Zaiah. Mukhang mas lalo pang napalapit ang anak ko sa kanya. Palagi na niyang bukang bibig ang dada niya. Gusto ko na ngang mag selos pero naiintindihan ko ang anak ko. Wala siyang kinalakihang ama, ngayon lang at si Kenzie iyon. Kaya kahit nakakahiya na kay Kenzie dahil naabala siya ay nagpapasalamat pa rin ako na dumating siya sa buhay namin ng anak ko.

"That's not a problem, Sheena. Tunay ko mang anak si Snow o hindi. Anak ko pa rin siya... period," and that shut me up. Wala na akong masabi pa. Seryoso ang kanyang sinabi.

Siya nga ang nagpaligo kay Zaiah habang ako ang naghanda ng isusuot niya at nagbihis sa kanya. Matapos ay si Kenzie naman ang naligo. Naisip kong bumawi kaya pinaghanda ko siya ng maisusuot. Paglabas niya sa banyo, ako naman ang sumunod. Dala ko na ang pamalit ko dahil sa banyo na lang ako magbibihis. Nang makalabas ako sa banyo ay sabay na kaming bumaba para dumulog sa almusal.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon