CHAPTER 46

679 41 0
                                    

PRINCE P.O.V

MATALIM PA ang tingin ko sa kasunod na police car kung nasaan ang lalaking iyon!

Pag sisihan niyang nabuhay pa siya!

—F L A S H B A C K—

KASALUKUYAN akong naka-upo habang nanlilisik ang matang naka tingin sa tarantadong lalakeng to!

"Ano ba kalma.." sabi ni Yesha na nasa likod ko at pinupunasan ang pawis ko.

"Ang tagal niya magising!" sigaw ko. "Buhusan niyo ng tubig yan!"

Lumapit samin ang pulis na nag iimbestiga sa nang yari. Kakagaling pa lang nila sa CCTV area ng mall.

Sinalubong ko ang isa sa kanila, siya ata ang lider.

"Paki dalian! Gusto 'ko ng makita yang nasa kulungan!"

"Sr." mahinahong sabi ng pulis. "Maari niyo ba kaming samahan sa cctv area ng mall?"

Bumaling ako sa lalakeng naka handusay at walang malay. At bumaling ako kay Yesha.

Bumalik ang tingin ko sa pulis. "Wag niyong patatakasin yang tarantadong yan." madiin kong sabi.

"We make sure sr." diin ding sabi ng isa na nag babantay sa tarantadong yan.

Tumango ako at hinila si Yesha. Bumaling ako sa kanya at nakita ko siyang naka simangot.

"Problem?"

Ngumuso siya. "Nagugutom.."

"Tiisin mo muna, or kumain ka na muna sa mga resto diyan. Sabihin mo asawa mo ako."

Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi dahilan para matulala ako ng ilang segundo.

"S-sr?"

Humarap ako sa pulis at tumango. Sumunod ako sa  kanya papuntang CCTV area.

"Ang nakaka pag taka dito sr, is sa labas ng mall. Meron siyang babaeng kasama na hinatid siya." turo nito sa babae sa computer.

Red car at naka mask ang babae. Parang hinatid niya ito sa mall.

O baka sinadya nilang bastusin si Yesha.

"Mukhang bayad ang lalake para bastusin ang asawa niyo sr."

Asawa? Hmm.. Good to hear.

"Sino naman yang babaeng yan?" turo ko sa babaeng nasa cctv video.

"Yun ang hindi namin alam tanongin nala—"

"Sr. Gising na po yung lalake."

Ngumisi ako at mabilis na nag lakad papunta sa lalaki.

Pag lapit ko ay nakita kong dinuduro niya ang mga pulis. "Sige! Lumapit kayo! Kayo kakasuhan ko! May abogado ako!"

Ngumisi ako at lumapit sa kanya. "Ginagawa mo?" sarskasmo kong sabi sa kanya

Pinanlisikan niya ako ng mata at ako naman ang dinuro. "Gago ka ah! Bakit mo ko sinipa sa batok! Gago ka ah!"

Gago pala to e?

Lumapit ako sa kanya at sinapak siya ulit. Buti naman ay wala pa si Aelysha. Hindi pa siya tapos kumain.

"Iposas niyo na 'yan." sabay duro ko sa lalake, kaagad naman akong sinunod ng mga pulis. "Pumunta na kayo sa police station susundan ko kayo."

Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon