CHAPTER 62

666 50 3
                                    

AELYSHA P.O.V

Nakauwi naman kami ng safe, ngayon ay pina-iimbestigahan pa ang mga nangyari. Kung sino ng may sala at inosente.

Tahimik akong humiga sa kama, at pumikit.

Nag iisip ako kung sino ang may sala, gusto ko ng malaman. Sino ang nag lagay ng bomba sa aking sasakyan?

Mahinang bumukas ang pinto, naimulat ko agad ang mata ko.

"Ang tagal mo yata?" takang tanong ko, namumutla din siya.

"A-Ah e.. N-Nag init ako ng tubig." pag dadahilan niya.

"E nag init na ako kanina ah? Ubos na agad?"

Parang nagulat siya, "B-Binuhos ko yung natira."

"Bakit?" naka kunot noo kong tanong.

"M-Medyo malamig na kasi."

Medyo malamig? E kaka gatas ko lang kanina napaso pa nga ako? Weirdo.

Umupo siya sa gilud ng kama, parang balisa siya?

"Anong nangyari sayo? namumutla ka."

"'Me ipis kasi."

"Ha? Ipis? Bakit nag karoon ng ipis dito?!" bumangon ako at tumayo akmang lalabas ng hinila niya ang braso ko.

"O-Okay na naman. M-Mag pahinga nalang t-tayo."

Namumutla siya at pawis na pawis dahilan para kumintab ang pisngi niya dahil sa sobrang pawis.

Kinuha ko ang towel at pinunasan ang pawis niya. "Ayos ka lang talaga?"

Tumitig siya sakin at lumunok. "O-Oo."

Parang may nangyari sa kanya e, parang nakakita ng multo?

"Gusto mo kumain?"

"W-Wag na."

"Gutom ka?"

"Hindi."

Humiga ako at humarap sa kanya, nakatalikod naman siyang naka higa.

"Harap." sabi ko at tinapik ang braso niya.

Humarap siya sakin. Nag katitigan kami ng ilang segundo.

"May nangyari ba?"

"Wala nga."

"Alam kong meron."

"Wala."

Tumitig ako aa buong mukha niya. Mula mata hanggang ilong, at sa huli ang mapula niyang bibig na may-

"Para kang may lipstick sa bibig." patungkol ko sa bahid ng red lipstick sa labi niya. Bumangon ako. "Bakit ka may bahid ng Lipstick sa bibig?!"

Agad niya itong pinunasan, at dahil puti ang polo niya kitang kita na lipstick talaga iyon.

Lalo soyang namutla. "T-Tinry ko yung lipstick mo." pag dadahilan niya.

Anong lipstick? E kasamang nasunog yung makeup ko sa sumabog na kotse?!

"Sunog na ang makeup ko, Prince." seryosong sabi ko

Nanlaki ang mga mata niya..

Anong nangyayari?

"Saan mo nakuha yang Bahid ng Lipstick? At bakit ka mag lilipstick?! At hindi pula ang lipstick ko! Baby pink siya!" taas boses kong sigaw sa kanya.

Bumukas ang pinto.

Sabay kaming napalinga sa pinto.

Si Meilin.

Suot niya ang isang bath rub at naka lugay siya ngayon, di katulad ng dati na mukha siyang nerd at baduy manuot. Siguro kakaligo palang niya.

Arrange Marriage with Maniac School King [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon