Chapter 38 : She's happy without me

3 0 0
                                    

Parang usto ko tuloy yung Patwis. Paano naman yung Ashtrice? LMAO!

Chapter 38

Ash's POV

Tahimik akong nagmamasid sa mga mamamayan ng Thelatta habang abala sila sa paghahanda ng mga pagkain at inumin kahit saan. Maraming nasa labas at talagang pinaghahandaan talaga nila ang pagdating ng isang prinsesa ng Hymrough. Balita ko sa isang espesyal na bahay sila tumuloy kasama ang Merian at ang anak nitong babae. Hindi ko nga lang alam kung nandoon din si Lewis o mas pinili nalang niyang umalis dahil mukhang may importante namang pag-uusapan ang bisita at ang kaibigan nito.

"Magandang gabi ginoo, gusto niyo ng tsaa?" Isang babae ang mahinhing lumapit sa akin habang imaalok ang isang baso ng tsaa sa akin. Napahinto ako at napatingin sa tsaa na hawak niya. "I-I'd like to."sabi ko at tinanggap ang tsaang nasa kamay niya. Napansin kong nakatingin lang siya sa akin kaya napatikhim ako. "Uh, ang ibig kong sabihin, bakit hindi? Salamat." Napangiti siya sa sinabi ko at yumuko bago umalis. Nagkibit-balikat nalang ako at ininom ang tsaang binigay niya.

Napangiwi ako ng mainom ang tsaang binigay ng babae. Halos madura ko na ito dahil sa sama ng lasa ngunit hindi ko tinuloy dahil maraming mga nakatingin sa akin.  "Anong kagaguhan 'yan?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang nakataas na kilay na si Ofelia. Naka cross-arms siya habang naglalakad palapit sa akin. Nilapag ko ang tasa sa katabing malaking mesa at hinarap siya. "Kailangan nating mag-usap."

"We're already talking."

"Yeah but I wan't privacy. Hindi dito Ofelia." Napatitig siya sa akin ng mga ilang segundo bago bumuntong-hininga at tumango. Napahinga rin ako ng malalim at nagsimulang maglakad papunta sa lugar na walang masyadong tao.

Ng makaliko kami sa isang eskinita kung saan konti lang ang mga tao ay napatikhim ako at sinalubong ang walang emosyon niyang mga mata. "Hindi lang pala kita gustong kausapin. I also want to ask you..." Nagsimula akong maglakad at lumapit sa kaniya. "About what? Pwede bang madaliin m—"

"Anong meron sa inyo ni Jack?" Nakita ko ang bahagya niyang pagkagulat ngunit agad rin iyong napalitan ng normal na mukha. She even rolled her eyes on me. "I'm expecting you'd ask that, kahit sinabi mong hindi iyan ang pag-uusapan natin."

"It's not in the plan."

"What?" Kumunot ang noo niya at diretso akong tinitigan sa mga mata." Tell me everything Ofelia. Wala sa plano ang saksakin si Jack. Are you that crazy?" Sarkastiko 'kong salita na nagpahinto sa kaniya. Bahagya siyang nagulat dahil hindi niya ata inaasahan ang biglaan kong pagkausap sa kaniya ngayon. Yes, I almost grew up in Human world with her. But we're not that close. Alam lahat ni Ofelia ang mga kilos ko pero hindi ko alam kung ano ba talagang nasa loob niya. Ganun na ang pagkakilala ko sa kaniya simula noon.

"Ikaw ang baliw Ash. Hindi natin maalaman kung anong mangyayari. Sa tingin mo ba ginusto ko ang lahat ng iyon?" Napalitan ng kakaibang to no ang walang emosyon niyang boses. Sa isang iglap, naramdaman ko kaagad ang pagkamuhi niya habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Tinabi ko na ang lahat ng nangyari years ago. Ang gagong yun lang ang naghukay muli ng mga bagay na dapat matagal ng nakabaon. I don't—"

"Wala akong pakialam sa nangyari years ago Ofelia. You're dragging Patrice into other situation. That may affect everything."

"What about Patrice? Hindi ko siya inutusan na sundan ako, na pakalmahin ako. Wala akong ginawa sa kaniya!"

"Then you stay away from her!" Napahinto siya ng tumaas na ang boses ko. Napailing ako at biglang napaatras pero nanatili siya sa kinatatayuan niya na parang inaasahan nang makikipagtalo ako sa kaniya. "Y-your'e telling me to stay away at her... Bakit hindi mo iyon gawin? Sa pagkakaalam ko, ikaw ang laging naghahabol sa kaniya." Napalunok ako at tila nawalan na ng boses para makapagsalita pa. Gulat na gulat ako kung bakit niya nalaman iyon. She's different.  "Don't you dare say that it's part of your thingy plan because I know everything Ash! The way you look at her, it's different! Diba dapat ako ang sesermon sa'yo at hindi ikaw?" Napayuko ako ng marinig ang nangangalahati niyang sigaw sa akin. Hindi ko alam pero parang napipi ako saglit na para bang may nagawa akong mabigat na kasalanan ngayon.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon