Chapter 44 : A Big room trespasser

3 0 0
                                    

Chapter 44

"Kuya Ash!"

Isang magandang dalaga ang nagmamadali sa pag-baba sa hagdan  bit-bit ang kumikintab na laylayan ng damit ng makita si Ash mula sa pangalawang palapag ng palasyo. Kasama ng dalaga ang kaniyang ina at isang maliit na batang babae na mukhang inosente ngunit may matamis at nakakatunaw-puso na mga ngiti.

Mahigpit na niyakap ni Ash ang babae na napagmasdan ko sa malapit. Kamukhang-kamukha siya ni prinsesa Calliope kaya marahil siya ang kakambal nito. Nalaman ko na ang pangalan niya mula kay Ofelia pero nakalimutan ko.

"Ang tagal 'kong hinintay ang araw na ito, ngayon nandito ka na at magkakasama na tayo." Nakangiting sambit ng babae habang nakayakap ng mahigpit kay Ash. Walang ibang sinabi si Ash kundi ang ibaon lamang ang mukha sa leeg ng kaniyang kapatid habang dinadamdam ang panahon na kayakap niya ito. Maganda ang mga ngiti ng kakambal ni Prinsesa Ofelia, mayroon siyang hanggang balikat na kulot na buhok kumpara sa kakambal na tuwid at mahabang buhok na hanggang likuran. Mas maputi siya at ang pinagkaiba lang yata nila ay ang kaniyang maliit na biloy (dimple) sa kanang bahagi ng pisngi na siyang lumilitaw kapag pinapakita niya ang kaniyang nakakagaan na mga ngiti.

"Iris, tama na iyan baka masakal mo na ang iyong kapatid." Natatawang sambit ng reyna kaya bumitaw na si Iris at marahan na hinila ang batang babae na kanina pa yata gustong mayakap si Ash. "Kuya Ash, siya si Hestia. Hestia, ang kuya Ash mo. Diba sabi mo gusto mo na siyang makita? Eto na siya sa harapan mo o!"

Nakangiting hinarap ni Ash ang bata. "Hestia, halika rito." Marahang lumapit si Hestia at niyakap si Ash. Hindi pa nakuntento si Ash at kinarga na ng tuluyan si Hestia at inikot-ikot ito habang tumatawa. Nakangiti akong tumayo malapit sa kanila habang nakatitig kay Ash at kung gaano siya kasaya na makita ang pamilya matapos ang ilang taong nagdaan. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin maisip na ang isang mayabang na Ash ay isa palang nawawalang prinsipe at diwata ng Hymrough.

"Tignan mo nga kung gaano sila kasaya." Nagulat ako ng maramdamang nasa tabi ko na pala ang reyna habang nakangiti at pinagmamasdan ang mga anak na masayang nagyayakapan at nagtatawanan sa harap. Nagulat ako, hindi ko inaasahang ako ang kinakausap niya kaya napayuko nalang ako bilang paggalang.

Lumingon siya sa akin ng nakangiti. "O, bakit ka nakayuko? Ano nga ang pangalan mo?"

"Patrice Dellona po mahal na reyna." Napatango-tango siya. "Patrice... Kay gandang pangalan. Kaibigan ka ba ng anak ko?"

"Uh, si Ash po?" Wala sa sarili akong napatingin kay Ash at sakto ring napalingon siya sa gawi ko kaya napangiti ako. "Opo. M-magkaibigan po kaming dalawa." Nilingon ko siya at nakita siyang nakatingin sa akin. Hindi ko matignan ang berde niyang nga mata. Dahil na rin siguro isa siyang makapangyarihang dugong bughaw at isa lamang akong tao.

"K-kahit hindi nanggaling sa akin si Asheer, nararamdaman ko pa rin ang dugong nag-uugnay sa amin. S-sa totoo nga, mahal ko na siya na parang tunay ko ng anak." Sabi ni Reyna Elisha habang nakatingin sa kanila ni Ash. Napatango-tango ako. B-bakit kaya ang swerte-swerte ni Ash sa pamilya? Ano kayang feeling kapag kumpleto at tanggap ka ng pamilya mo? Is it happy? Cool? Amazing? I don't know 'cause in the first place I'm not very lucky to have a complete family. I have my Mom...but I'm not sure if I'm still going back or I'm loosing her for good. Hindi ko yata kakayanin kapag darating ang araw na iyon. That would be my worst nightmare. Wala na akong ibang mahihiling pa kundi ang makabalik sa mundo ko, suklian ang pagmamahal na pinakita ni Mama sa'kin at mamuhay ng payapa. Ganon lang sana kadali iyon kapag hindi ako napunta rito. Kapag hindi ako nakapasok sa portal ng Arrazus, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

"Uh, hija may nakikita ka bang mali kay Ofelia? Ayaw niya kasi kaming pagbuksan ng pinto kanina ng umakyat kami sa silid na tinutuluyan niya. " Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ang malungkot na boses ng reyna. Napalunok ako, hindi agad nakapagsalita sa narinig. Naisip ko na naman si Ofelia, kailangan ko din siyang paliwanagan sa nangyari tungkol sa amin ni Jack.

Behind Those Wings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon