Prologue

1.7M 39.3K 38.1K
                                    

"Displacement is a type of defense mechanism worded and coined by the first psychologist on the psychodynamic approach-Sigmund Freud-that redirects the expression of our negative feeling to a weaker or less-threatening object."

Nakita ko ang paghikab ni Mira, kaklase at kaibigan ko, kaya bahagya akong napangiti.

"Naintindihan n'yo ba?" tanong ni Sir sa amin. Kinamot n'ya ang kan'yang kalbong ulo habang nakatingin sa mga kaklase kong halatang inaantok.

He then looked at Almira. "Mira, can you give me a situation where people use this kind of defense mechanism?"

Kita ko ang paglunok ng babae at dahan-dahang pagtayo. Binasa n'ya ang nasa powerpoint presentation bago kagatin ang pang-ibabang labi.

"A-ahh... Sir..." nauutal-utal na saad n'ya.

"Hmm?"

"Di ko gets po, hehe."

Mahina akong natawa dahil nakita ko ang kaba sa mukha nya. She looks like she's gonna poop! Maasar nga ito mamaya.

Pinaupo s'ya ni Sir bago muling tumingin sa amin. Inisa-isa n'ya kami kaya ang mga natutulog ay pupungas-pungas na umayos ng upo.

"Learn, class!" sigaw n'ya pero hindi naman pagalit.

"Ang makakapagbigay ng sample situation ay exempted sa quiz ngayon."

Doon parang natauhan ang mga kaklase ko. They didn't review for sure! Busy ang lahat dahil birthday ni Daniel kahapon, kaklase rin namin, kaya imbes na makapag-review ay nag-inuman sila.

I saw Vina raising her hand.

"Oh, Vina," tawag ni Sir.

She raised her chin proudly. "Ano, Sir...'yung situation na ibibigay mo sa, ano...less-threatening object."

"Wala, tinatagalog lang!" sigaw ng ilan sa mga kaklase ko kaya naiinis na napaupo si Vina.

Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya nakita ko rin ang pagngiti nya.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Daniel. "Sumagot ka."

Umiling ako. "Sayang review."

"Aw, daang matuwid."

Nakita kong nakatayo na ulit si Almira, parang nabuhayan dahil sa incentives pag nakasagot.

"Ang displacement ay nagagamit sa sitwasyon na pag may negative feelings ka, ibibigay mo na lang sa weaker objects," sagot nya kahit hindi sigurado.

Muling napakamot si Sir sa ulo. "Ano nga ang sitwasyon?"

Maraming sumubok na magbigay ng sagot nila pero dahil lutang ata ang mga kaklase ko, walang nakapagbigay ng example.

"Any other hand?" tanong ni Sir sa amin ngunit walang nagtaas ng kamay.

Iniikot nya ang paningin at nagtama ang mata namin. "Chin, ikaw?"

Narinig ko ang buntong hininga ng mga kaklase ko nang tanungin ako ni Sir. Kung hindi pa OA, narinig ko silang nang-aasar.

"Chin, kaya mo namang iperfect yung quiz, wag ka na lang sumagot!"

"Eguls naman, napakabasic kay Chin."

Tumawa ako sa kanila bago tumayo. "Epal nyo."

Humarap ako kay Sir na nakangiti na sa akin, parang nag-eexpect ng isang maayos na sagot. Naagaw nga lang ng ingay sa labas ang atensyon ko.

Mula sa bintana ng classroom namin, nakita ko ang pagdaan ng mga estudyante. Nakilala ko agad ang mga ito dahil ang dalawa sa kanila ay basketball player ng university namin-Calvin and Calix.

Taming the Waves (College Series #2)Where stories live. Discover now