Part:_21

6 3 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng lahat ng pagsubaybay sa akin ng taong iyon.

At sa kahit anong paraan ay hindi ko parin malaman kung bakit niya ako binabantayan.

Sa tingin ko ay wala naman itong masamang intensyon sa akin kaya hindi ko ito masyadong pinapansin dahil kung meron man siyang gustong iparating o sabihin sa akin pwede niya akong lapitan.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Feeling ko kasi kahit hindi ko siya kilala, napaka komportable ng lahat sa paligid ko yung tipong kahit ang hangin ay aawit pa kung  sakaling harapin ako nito at magpakilala ng harapan.

Alam Ko [SEASON ONE]Where stories live. Discover now