Part:_23

6 3 0
                                    

"Celestine!"

Bigla akong napabalikwas mula sa aking pagkakaidlip ng marinig ko ang boses na iyon na para bang sabik na sabik sa aking pagbabalik.

Mabilis kong binuksan ang ilaw sa tabi ng aking hinihigaan at walang ilang saglit pa at- -

"Celestine."

Bumungad sa akin ang isang lalaking hindi ko makita ang mukha dahil sa suot nitong maskara na natatabunan ang pisngi maging ang kanyang ilong at bibig.

Nagulat ako at naalarma sa pagkakataong iyon at hindi ko malaman ang gagawin.

Gustuhin ko man na sumigaw at humingi ng tulong ay hindi ko magawa dahil sa hindi ko mapaliwag na nararamdaman.

Alam Ko [SEASON ONE]Where stories live. Discover now