Chapter 26

39K 902 75
                                    

Theres

May konting salo salo ang inihanda si nanay Nez na pinagsaluhan namin kasama ang pamilya ni Randolph na kanina pa pinag-uusapan ang kanilang negosyo habang kumakain kami dito sa lamesa at tahimik lamang ako na kumakain.

"Sa bahay na kayo tumira anak para may kasama naman ako doon. Malaki naman ang bahay at kasya tayong lahat." Napatigil ako sakin pagsubo nang marinig ang sinabi na iyon ng kanyang ina. Tumutol agad ang isip ko sa nais mangyari ng kanyang ina at dahil hindi ko kayang tumira doon kasama ang pamilya ni Randolph.  Kahit na naging tahanan ko iyon noon pero ayoko nang bumalik doon dahil maalala ko lang ang masamang bangungot na iyon.

Napatingin ako kay Randolph nang kunin niya ang kamay ko at pisilin iyon. Ngumiti siya sakin bago bumaling sa kanyang pamilya. Sana makita niya ang pagtutol sa mga mata ko.

"Thanks, mom. But we stay here." Maikling sagot ni Randolph na kinahinga ko nang maluwag bago ngumiti sa kanya.

"Okay, if it is your decision we accept pero nakakalungkot na malayo ka sa'min ng iyong ama at kapatid." Biglang naging malungkot ang tinig ng kanyang ina at kita kong wala naman reaksyon si Randolph doon.

"Hayaan mo na tutal malaki naman 'yang anak mo." Sabat naman ng ama ni Randolph na patuloy sa kanyang pagkain.

"Kuya, pwede bang dito kami matulog please?" Nagsusumamong sabi naman ni Rica na hinawakan pa sa kamay si Randolph na agad iyon kinuha nang titigan ko ng masama. Magkatabi kami ni Randolph habang kaharap ang kanyang pamilya at katabi namin sila nanay.

"Maraming silid dito kaya walang problema." Pagsang-ayon naman ni Randolph at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos nang hapunan ay inihatid ko dito sa labas sila nanay at tatay na uuwi nalang daw dahil walang bantay sa bahay at alam kong naiilang din sila sa pamilya ni Randolph at pansin ko kanina na hindi nila ito gusto.

"Mag-iingat ka dito, anak. Alam na'min ng tatay mo na hindi ka gusto ng pamilya ni Randolph. Ayoko sana na'min ewan pero kita mo naman kanina na gusto kaming paalisin ng mga iyon pero huwag kang mag-alala dahil nandiyan naman si Randolph na handa kang ipagtanggol." Gusto kong umiyak sa pahayag ni nanay pero pinigilan ko. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Niyakap nila ako bago na sila nagpaalam sakin.

Bigla naman akong napapitlag nang may yumapos mula sa likod ko at alam ko kung sino iyon.

"Let's get inside, sweetheart. Mahamog na dito." Hinalikan niya ang ulo ko bago ako iginaya papasok sa loob. Pakiramdam ko habang pumapasok kami sa loob ay masikip ang bahay para sa'min na hindi na ako makahinga.

Nabungaran ko sa sala ang kanyang pamilya na nanonood ng tv habang umiinom ng wine. Nginisihan ako ni Rica at nilahad ang iniinom nitong wine na inilingan ko.

"Inaantok na ako." Mahina kong bulong kay Randolph na tumingin sakin. Tumango siya at hinapit na ako papunta sa silid. Nang makarating sa silid ay agad akong nahiga at susunod sana ito nang magsalita ako.

"Asiksuhin mo muna ang pamilya mo." Nagkibit balikat ito sakin.

"Kaya na nila 'yon at alam naman nila kung saan sila matutulog." Komuntra naman ako sa sinabi niya.

"Kahit na. Nakakahiya kung mauuna tayong matulog kaysa sa kanila. Pamilya mo sila kaya dapat na inaasikaso mo." Matagal ako nitong tinitigan bago siya napahinga ng malalim. Dumukwang siya at hinalikan ako sa labi pataas sa noo ko bago siya lumabas ng silid. Ako naman ang napabuga ng hangin habang iniisip ang pagpunta ng pamilya ni Randolph dito. Kinukutuban ako ng hindi maganda pero iwinawaksi ko ang mga iyon dahil pilit kong iniisip na ginagawa nila ito bilang pagsuporta kay Randolph.

Possessive Men #:1- Randolph's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon