Vasilissa Phoebe Lawrence.
I sighed as I massaged my neck because of the pain na kanina ko pa nararamdaman. Inalis ko ang mata sa laptop ko at tiningnan si Phoebe na ngayon ay nasa canteen ng university na pinapasukan niya at kasama ang mga pamilyar na mga kababaehang kumakain at nag-uusap.
Kinuha ko naman ang kape ko na nasa tabi lamang ng laptop ko at uminom doon habang hindi tinatanggal ang tingin sa babaeng binabantayan ko. Napatingin ako sa babaeng nasa harapan niya na sobrang maingat at sopistikada kung gumalaw, I'm not even surprised since she is the daughter of a ruthless duke from spain. She's raised well, pero alam ko ang tinatago niya. I tried warning my brother about her but he's just too stuborn kaya hinayaan ko na lang siya dahil buhay niya naman iyon, hindi ko lang naman talaga mapigilan na mag-alala dahil siya lang naman ang nag-iisa kong kapatid.
The girls were through with their lunch kaya unti-unti na silang nag-linis ng gamit nila while I returned my attention sa laptop ko. Only Phoebe's complete name was written on the screen. Wala akong impormasyon na makita tungkol sakanya sa mga koneksyon ko kaya hindi ko na talaga mapigilan na mag-duda kung ano ang nangyari sakanya.
"You are very interesting..." I sighed.
Tumayo na ako at isinarado na ang laptop bago iyon nilagay sa bag na dala ko at naglakad na paalis doon. Hindi na ako nag-abala pa na hinatayin silang matapos dahil alam ko narin naman kung saan sila pupunta. Tinungo ko ang sunod na klase niya, when I got there only few students were there since hindi pa naman time. Inayos ko ang suot kong cap bago sumandal sa pader na nakaharap sa room nila at hinintay ang pagdating niya.
Hindi ko naman mapigilan ang mainis dahil sa mga tingin ng mga taong dumadaan sa harapan ko. Parang hindi pa sila nakakita ng tao kung makatingin. Fucking disgusting.
Ilang minuto pa ang hinintay ko noong tuluyan ng dumating si Phoebe at ang grupo niya. Umayos naman ako ng tayo at naglakad palapit sakanya na akmang papasok na sa room niya. Pumiksi naman siya sa ginawa ko at ang bilis ng reflexes niya dahil sa bigla niya sa'king pag-siko ay pagtulak. Hindi naman niya ako napuruhan dahil mas mabilis ako sakanya. Noong makita niya na ako pala ang humawak sakanya ay parang nakahinga siya ng maluwag, nawala na ang lamig na kanina ay mabilis na dumaan sa mga mata niya.
"D-damon, anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko naman pinansin ang mga kaklase niyang panay ang tingin sa'ming dalawa. Hinawakan ko naman ang braso niya bago inangat ang tingin at binigyan ng malalamig na tingin ang mga taong walang magawa sa buhay nila. I saw the Princess looked at me with curiosity in her eyes. Ang ibang babaeng kasama nila ay hinayaan lang kami at nag-paalam lang na parang wala silang nakita.
"I need to speak with you." I said before returning my eyes to her.
Kita ko naman ang pagtataka sa mga mata niya. Of course, sino ba naman ang magtataka when her bodyguard is always around her 24/7 tapos hatid sundo pa siya then bigla na lang siyang lalapitan at kakausapin ng seryoso. Of course naiintindihan ko kung bakit siya nagtataka.
"Phoebe," tawag naman ng princesa sakanya na ikinabaling ko rin sakanya.
Meron na siya ngayong seryosong tingin sa'kin na wala namang epekto. Wala akong pake sa kung ano pa man ang posisyon niya sa royal family, I don't have any business with her kaya dapat ay hindi niya rin ako pakialaman sa pagpo-protekta kay Phoebe.
Nginitian naman siya ni Phoebe bago siya nagsalita. "You can go na, Nica. Mag-uusap lang kami ni Damon. Don't worry, safe ako sakanya."
"Are you sure?" Tinaasan pa niya ako ng kilay.
I smirked. "Of course, she is safe with me. I'm not a careless person like you, Princess." Mas lalo namang lumawak ang pagkakangisi ko noong dumilim ang ekspresyon sa mukha niya at mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Ibinaba ko ang tingin sa kamay niya na nakakuyom na ngayon. Umiling naman ako at mahinang tumawa upon realizing that the rumors were true, that she has the same temper as her father on his youth. Maybe it really runs in their blood. Hindi naman na nakakabigla ang temper sa dugo nila kahit ngayon ko lang nakumpirma ang sakanya. Aki's father, also one of my godfathers is a dangerous man, I know that I'm a badass but he surely is a different level than me.
Ilang sandali pa ay mukhang nakalma niya naman ang sarili kaya tinanguan niya na lang si Phoebe bago unang pumasok sa room nila. Hinatak ko naman si Phoebe palayo doon para walang istorbo at makakarinig sa pag-uusapan naming dalawa.
I stopped when we reached the end of the hallway na walang estudyanteng dumadaan. Binitawan ko naman siya doon. "Anong pag-uusapan natin?" She asked.
Tiningnan ko naman siya ng seryoso bago ako nagsalita. "Starting tomorrow, iba muna ang mag-babantay sayo."
Her eyes widened. "W-what?"
Hinawakan ko naman ang kamay niya at mas hinatak siya palapit sa'kin. Langhap ko ang amoy niya pero pilit kong ibinabalik ang atensyon sa dapat kong sabihin sakanya. "I have to go somewhere."
"Saan?"
"Work." Well it's not a lie. Tatrabahuhin ko naman talaga kung ano ang tinatago niya at kung ano ang dapat ko bang matuklasan dahil iyon ang sinasabi ng instincts ko.
Tumahimik naman siya sa sagot ko kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para ipaliwanag sakanya ang mangyayari.
"I have a friend who works just like me. He mostly works out of the country but I know that he'll say yes if I request him to be your bodyguard for just a few days."
"Sama na ang ako sayo. Saan ka ba magta-trabaho?"
Bumuntong-hininga naman ako dahil sa nakikitang ekspresyon sa mukha niya.
"Hindi ka pwede sa pupuntahan ko."
"Bakit?"
"Just because." Binitawan ko siya at hinilot ang sentido ko. "Don't ask. Mapapahamak ka lang sa kung saan ako pupunta. My friend will start guarding you tomorrow, hindi ko alam kung kilala mo siya but I'm pretty sure that you'll recognize him kahit ilang taon na siyang hindi dito sa Pilipinas umuuwi."
She played with her thumb at parang nag-isip ng malalim. Tinitigan ko naman siya at binabasa ang mga ekspresyong dumadaan sa mukha niya. Napabuntong-hininga naman akong muli bago ko siya hinawakan sa magkabila niyang balikat na ikina-angat ng tingin niya.
"His name is Winter. He'll keep you safe while I'm away." I stopped upon remembering something. "Do not depend on me. I told you na dapat ay umiwas ka sa'kin."
Siya naman ang umiwas doon sa sinabi ko at kagat labing nag-isip muli ng malalim. Hindi ko naman na mapigilan na mapabuntong-hininga nanama bago iniwas ang tingin rin ssakanya dahil hindi ko siya makayanan na tingnan. I really don't wanna leave her alone but part of my job is to make sure of her safety, and that is knowing what really happened to her na kailangan ko siyang bantayan.
Nawala naman ako sa focus sa pag-iisip ko noong bigla niya akong hinawakan sa kamay ko. I remained stoic although I was very confused with her expressions. Blanko ito habang nakatingala siya sa'kin. Her eyes were darker than its usual shade na mas nagpadepina sa talukap ng mga mata niya.
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "You're not hiding something from me aren't you?"
Her question surprised me but it didn't make me spill my emotions. Blanko rin ang ekspresyon ko habang pilit parin na binabasa ang nasa-isip niya. Para naman mapatanag siya ay hinawakan ko siya sa kanyang braso at inilapit siya sa'kin. Napasinghap naman siya sa ginawa ko at nakita ko ang pagbalik ng emosyon sa mukha niya dahil sa pagkabigla sa ginawa ko. I just looked at her while she's contemplating if she'll push me or just let me embrace her. This is fucking torture since I can feel her softness but I need to endure.