Kabanata 2: Panaginip ng Payapang Gabi

24K 1.1K 3.6K
                                    

[Kabanata 2]

Nakatitig si Sabrina sa iginuhit na larawan sa children's story na binabasa ng kaniyang ina. Apat na taon pa lang siya, hindi pa siya nakakabasa nang deretso kung kaya't ang kaniyang ina ang nagbabasa para sa kaniya. Nakaupo sila sa kama. Nasa gitna ang kaniyang ina habang nasa kaliwa ang kaniyang nakatatandang kapatid na mahimbing nang natutulog.

Kasalukuyan silang nasa ospital. Kakatapos lang ng general check-up ng kanilang ina.

"Mommy, why did they leave and choose to live in the wild?"

"Because no one wants them..." sagot nito saka itinuro ang prinsesa. "Like Snow White, she ran away because her stepmother doesn't like her."

Nanatiling nakatitig si Sabrina sa prinsesa na nakaupo sa silya habang kinakantahan ang pitong kaibigan nito. "They decided to live together... away from the people and cruel world."

Ngumiti si Sabrina saka tinuro ang mga karakter sa kuwento, "I think that would be better. At least they look happy." Napangiti ang kaniyang ina dahil mas pinagtuunan ng pansin ni Sabrina ang mga ngiti ng tauhan.

"I like her. I want to be Snow White someday. I want to be a princess! I want to be friends with them. I want to find my prince!" ngiti ni Sabrina, hinawi ng kaniyang ina ang buhok na tumatama sa kaniyang mata sabay tawa dahil tuwang-tuwa ang kaniyang anak.

Sinenyasan niya ito na huwag maingay sabay ngiti dahil baka magising si Faye. "You will be. It would be best if you take care of and protect those in need. Cherish and love them like how Snow white does."

Tumango ng ilang ulit si Sabrina. Ngumiti ang kaniyang ina sabay yakap sa kaniya, "And you know what, someday your prince will come..." patuloy nito saka inawit sa pamamagitan ng himig ang kantang hango sa paboritong kuwento ng kaniyang bunsong anak.


"MAUNA na kami, pasalamat kayo hindi na kayo menor-de-edad at wala ng curfew. Umuwi na kayo baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo," sermon ni SPO2 Garcia bago pinaandar ang sasakyan. Tumango na lang si Sabrina na muling humingi ng paumanhin.

Samantala, nakatayo lang si Libulan habang nagtatakang nakatingin sa police mobile. Napapapikit siya sa nakasisilaw na asul at pulang ilaw ng emergency light na nasa bubong ng kotse. Napahawak din siya sa kaniyang sikmura nang maramdaman niya ang pagkulo nito.

Nang makaalis ang police mobile. Napapikit si Sabrina at napabuntong-hininga. Hindi niya nakayanan ang sarili sa pagsagot sa mga tanong ng pulis kanina matapos niyang puntahan ang inaakala niyang anak ni Manang Milda.

"So... sinasabi mo na kilala mo siya?" tanong ni SPO2 Garcia sabay inom ng kape. Nakatayo sila sa labas ng inuupahang apartment na inabandona. Nagpatuloy sa pagsusulat si SPO1 Angeles habang nakasandal sa hagdanan.

Napatingin si Sabrina kay Libulan na nanatiling nakatayo sa tapat ng bintana habang pinagmamasdan ang buwan. Matapos niyang sabihin kay Libulan na uuwi na sila, kailangan niyang panindigan ngayon na magkakilala sila.

"Opo, anak siya ni Mildred Lopez. Nag-away po siguro sila kaya lumayas ang nanay niya para magpalamig ng ulo," tugon ni Sabrina sabay lunok. Hindi siya makatingin nang deretso sa mga pulis ngunit pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.

"E, bakit ang sabi niya hindi niya raw kilala si Mildred Lopez," patuloy ng payat na pulis sabay inom muli ng kape.

Ngumiti si Sabrina saka tumawa nang marahan, "Gano'n naman po talaga kapag may kagalit tayo, 'di ba? Sa sobrang inis natin, nasasabi natin na 'di natin sila kilala," saad ni Sabrina na pinagpapawisan nan ang malamig.

DuyogWhere stories live. Discover now