CHAPTER 4

424 12 0
                                    

Natigilan ako sa ginawa niyang pagsampal sa akin at mukhang nabigla din ang babae sa ginawa niya at tumawa lang ang bruha.

kaya nang biglang nag-iba na ang paningin ko ay agad na akong tumakbo at wala akong paki kung may makabunggoan man ako dahil kailangan ko itong pigilan dahil ayaw kung malaman nila ang tunay kung pagkatao.

Nang may humawak sa kamay ko kaya nagtaka ako ayaw ko siyang tignan alam kong namumula na ang mata ko.

"Okay ka lang, anong ginawa nila sayo?" tanong nito sa akin.

Pero imbis na sagutin ko siya ay iniba ko ang usapan.

"San ang Comfort Room dito?" tanong ko nito.

"Nanjan, lang sa kabila gusto mo samahan na kita" sabi sa akin ni Arian alam ko siya to dahil kaboses niya ito hindi pwedeng makakita ako ng tao dahil sigurado akong masasaktan lang.

Agad na akong tumakbo baka masaktan ko lang siya at nang nakarating na ako ay agad ko itong ni lock at humarap sa salamin kita ko agad ang pamumula ng mata ko.

Para bumalik ako sa sarili ko kaya agad akong nag hilamos at maya maya ay naging normal na ang kulay ng mata ko at hindi parin nawawala ang pagkapula ng pisngi ko sobra kasing lakas ng pagkasampal niya sa akin.

Agad na akong lumabas at marami na palang nag aabang sa Comfort Room pero hindi ko nalang sila pinansin at agad na akong nagtungo sa classroom namin at napatigil naman sila sa pag iingay ng bigla akong pumasok at may isang lalaki namang lumapit sa akin.

"What are you doing in this classroom?" tanong nito sa akin pansin ko ngayon kulang siya nakita sabi ko sa sarili ko.

"Dito kasi ang classroom ko" sagot ko nito at umupo pero wala ng nagawa ang lalaki kun di umupo nalang sa upuan niya.

Agad namang lumapit sa akin ang batang Ice.

"Namumula pa ang pisngi mo ha" tanong nito sa akin.

"Okay lang hindi na naman gaano na kasakit" ngiting pilit ko nito.

Nang tumunog na ang bell hudyat na uwian at dahil ako ang pinaglinis nila at nagsimula na akong maglinis dahil agad ng umuwi si Ice dahil pinapauwi daw siya ng maaga ng Mom niya kaya ako nalang mag-isa ang naglinis.

Napadako ang tingin ko sa upuan ng lalaking nagtanong sa akin kanina na may nakita akong YoYo na kulay Red na curious tuloy ako kung bakit may YoYo sa upuan niya.

Akmang kukunin ko sana ng may nagtapik sa kamay ko at kasabay ng pagsigaw ko dahil masakit ang kamay ko.

"Pakialamera ng gamit" sabi nito sa akin.

"Excuse me kukunin ko sana yan para ibalik sayo dahil nakalimutan mo" pasigaw kung sabi nito ang sakit tuloy ng kamay ko bakit niya kasi tinapik ng malakas sabi ko sa sarili ko.

"Next time na may makita kang gamit na naiwan dito mas mabuti pang wag mo nalang pakialaman" sabi nito sa akin.

Agad naman akong nagulat ng biglang may sumigaw sa pintuan.

"James Bakit ba ang tagal mo" Sabi ng nagngangalang Kion narinig ko lang ito kanina at teka James pala ang pangalan nito sisimulan kona bukas kong sino ang mga pangalan nila.

Agad naman siyang naglakad papunta kay Kion at agad ng umalis hay siya pa ang tutulungan ako pa sinasabihan ng pakialamera sabi ko sa sarili ko.

Nang natapos na ako ay agad ko nang sinirado ang pintuan at ni lock at laking gulat ko ng pagharap ko ay nakita ko agad si Nine.

"Anong ginagawa mo bakit hindi ka pa umalis?" nanginginig na tanong ko sa kanya ang lapit kasi ng mukha niya sa akin.

"Give me the key" sabi nito sa akin.

"oh iyan na" sabi ko nito sabay bigay ko sa kanya ng susi.

Agad na akong naglakad at napansin ko na mabilis na ang paghakbang ni Nine at malapit na siya sa akin.

"You look nervous?" tanong nito sa akin.

"Hindi naman" maikli kung sagot nito.

Nang nakarating na kami sa parking lot at nakita ko na ang sasakyan ni Mang Tata ay agad na akong sumakay.

Nang malapit na kami sa bahay ay may malaking sasakyan mga sampo siguro ang tao na kasya nito pero hindi ko lang ito pinansin.

Nandito pa ako sa labas ng bahay parang may naririnig akong nagtatawanan at agad ko nang binuksan ang pintuan.

Bakit nandito sila, kasi kaklase diba, ang lakas naman ng loob nilang pumunta dito klase klaseng tanong ko sa sarili ko.

"Anong ginagawa ng babae yan dito" pagtataray ni Bruha sa akin akala mo kung siya ang may ari ng bahay.

Pero si Mama ang sumagot sa kanya.

"By the way I want to introduce my daughter Steph" pagpapakilala ni Mama sa kanila.

"Hindi mo naman sinabi Dave na may kapatid ka palang loser" sabi sa akin ni bruha ginagalit niya ba talaga ako baka gusto nito masampulan.

Kita ko naman na napatingin sa kanya si Mama at nag iwas ito ng tingin.

Umakyat nalang ako sa kwarto ko hindi kona sila pinatulan baka ano pa ang magawa ko sa kanila.

Nag scroll ako sa instagram ko username ko naman @steph_12_04 at mayroon naman akong 10 M followers at kaka scroll ko ay may nakita akong kakaibang account at napadako ako sa profile, bakit ako ang picture nito at mayroon lang naman itong 50 M followers at nagtataka ako may balak na namang siraan ako nito at napahinto lang ako sa ginawa ko na may nagsalita.

"Maam, pinapababa na po kayo ni Maam dahil kakain na daw" sabi ng Yaya namin kaya agad na akong bumaba.

Pagbaba ko ay hindi ko akalain na nandito pa pala sila wala bang balak silang umuwi nawala tuloy ako ng ganang kumain.

Agad na akong umupo sa harap ng bruhang ito, nagdasal muna kami bago kumain.

Wala kaming naririnig na ingay maliban sa tunog ng kutsara.

Nagmadali akong kumain dahil naiirita ako sa mukha ni bruha kunti nalang talaga kundi masasapak ko siya.

Lumipas ang araw kaya ngayon ay sabado na at may usapan kami ni Rhian at Fion na may pag uusapan kami hindi ko talaga mapaliwanag ang nakita ko.

Nandito kami ngayon sa Coffee shop at habang nag uusap kami nahagip ng mata ko parang nandito ang mga kaklase ko ano naman ang ginagawa nila dito wag nilang sabihin na pag mamay ari nila itong coffee shop tanong ko sa sarili ko.

"Hey Are you listening babe" tawag ni Fion sa akin.

Napahawak naman siya sa ulo niya dahil binatukan siya ni Rhian.

"Ha!" maikli kung sagot lumipad kasi ang utak ko.

"Sinong tinitignan mo?" tanong sa akin ni Rhian.

"Malamang ako na gwagwapuhan kasi siya sa akin" sabi ni Fion.

"Wala para kasing may nakita akong pamilyar na tao" sagot ko sa kanilang dalawa.

Tumango naman sila.

"Ano nga ulit ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanila.

Sa mga nagmamahal ko na readers nagustuhan niyo ba ang chapter 4 na sinulat ko kung ganon maraming salamat at wag niyo sanang kakalimutan na i Follow ako at mag comment at mag vote din sa story na to at enjoy reading..

The Girl In Section B (Badboys Group)Where stories live. Discover now