CHAPTER 37

237 8 0
                                    

Happy 3rd Monthsarry mga ka readers


Lakad lang ako ng lakad at kita kona ang mga studyante na naka pwesto na, kita ko tuloy ang ganda ng coron palawan.

Dahil hindi naman gaano ka init ay agad muna akong nagpahinga at tiningnan ang dagat.

Tinawag naman ako ng mga mahangin ngunit hindi ko lang ito pinansin dahil galit ako.

Habang tinitingnan ko ang dagat ay may tumabi sa akin kaya agad naman akong lumingon hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Bakit nandito si Kuya Love? tanong ko sa sarili ko.

"Are you okay?" kasabay non ang pag iwas ko ng tingin.

"Yeah!" ikli kung sagot nito.

"Bakit kaba nandito hindi mo ba alam na sobrang init" sabi na naman nito.

"Medyo lang naman" sagot ko nito.

Mayamaya agad naman akong tumayo at hinila ang maleta ko.

Dumating ako sa hotel na hila hila ang maleta ko at agad naman akong binigyan ng no. 97 kaya wala na akong pasabi sabing tumungo don.

Pagkarating ko  sa tapat agad naman akong kumatok dahil may dalawa daw akong makakasama.

Agad naman itong bumukas at iniluwa ang mukha ni Arian.

"Hi" ngiting bati nito.

"Hi" ngiting bati ko din nito.

Linakihan naman niya ang pagbukas ng pinto at agad naman akong pumasok.

Kita ko naman si Gile na nag aayos ng gamit niya.

"Hi" bati ko nito.

Ngumiti lang ito sa akin.

Pumunta ako sa dulong kama at agad nilagay ang maleta ko at humiga.

"Steph okay lang ba ang regalo ko" kasabay non ang pagbangon ko.

Inabot naman sa akin ang regalo nito isang bracelet na kulay violet.

"Pangit ba!" tanong nito.

"Okay lang maganda kaya!" ngiting sabi ko nito.

"Talaga, magugustuhan kaya niya?" tanong na naman nito.

"Syempre naman ikaw pa malakas ka kaya non" si Gile na ang sumagot nito at tumili naman si Arian akalain mo 19 na siya saman talang si Ice kaka 15 pa lang niya sa bagay wala naman talagang pinipili ang pag ibig.

"Hoy, okay kalang" napabalik naman ako sa sarili hindi ko namalayan na may kasama pala ako.

"Hindi!" ikli kung sagot nito dahil galit ako sa mahangin nayon dahil kinuha niya ang cellphone ko.

"Bakit naman?" tanong nito.

"Yung Nuybe nayon kinuha ba naman ang cellphone ko" inis na sabi ko nito at humiga na naman.

"Sinong Nuybe" tanong naman ni Gile.

"Sino pa ba ide si Nine" sagot ko nito.

Tumangon naman ito.

6: 00 Pm

Lumabas na kaming tatlo dahil e cecelebrate ang birthday ni Ice.

Pagkarating namin agad naman kaming pumunta sa kada section namin.

Kita ko naman ang mukha ng mahangin na nakatingin sa akin at inirapan ko nalang ito.

The Girl In Section B (Badboys Group)Where stories live. Discover now