SHE'S IN TROBOL

1.9K 56 0
                                    

(Seol's POV)


nag-inat inat ako ng mga braso dahil sa maghapong klase.sinipat ko ng tingin ang pambisig na relo at nakitang 5 na ng hapon,hayyy what a heavy and tiring day..!!





"Alam mo na ba friendship?!",tanong ni vina habang kasalukuyan kaming naglalakad sa pasilyo,sabi ko ng kung may iti-tismis sa canteen nalang.hindi na makapaghintay ang loka






"Ang ano?!",buryong kong tanong sakanya,,medyo pagod kasi ako dahil narin sa maghapong busy.daig ko pa tuloy ang kalabaw na maghapong nag-araro ng ilangdaang hektarya ng sakahan sa sobrang pagkahupa







"Na bukas na ang finals para sa team jets vs team archers,,naku!sususportahan ko si Ace myloves sa laban nila,.diba may practice sila mamaya?hindi ka ba nya nasabihan,?isama mo 'ko para mai-cheer ko sya.may baon pa naman akong pompoms tanda ng suporta ko sakanya,pinagpuyatan ko to at inisa-isang ikabit yung mga straw para dito!"..kilig to the bones nyang sabi






Halos masamid ako ng walang anu-ano ay inilabas nga nya sa bag ang dalawang pompoms,,seryoso?baliw talaga itong babaing 'to pagdating kay ace ano?!magandang couples sila kung sakali pero medyo may pagka-krungkrung itong si vina






Napailing na lang ako,ng ibalik ko ang tingin sa harap ay nakita ko sa gilid na dumaan sila third sa barb wires,mukang papunta sila sa likod ng university at may mga kasama syang mukang goons,,palagay ko makikipagbasag ulo nanaman sya,,hindi pwede,dapat kong mapigilan yun dahil panigurado mae-expell sya at ayokong mangyari yun,kahit naman masama ang ugali ni third ay ayoko syang mapariwara





Nag-vibrate ang cp ko at ng tignan ay si Ace ang nagtext


Bzzzztt one message receive
Ace vergel

Asan ka na? Bilisan mo kanina pa kita hinihintay dito sa gym,malapit ng magstart nung game..diba iche-cheer mo pa 'ko?


Napatingin ako saglit sa katabi ko na abalang-abala sa pagkakabisa ng cheer nya kaya nagtipa na ko sa keypad




Pwede bang pass muna ko?meron lang akong pupuntahan!promise bawi ako later

Message sent..


Akma ko ng ilalagay sa bulsa ng pantalon ang phone ng tumunog ito,

Ace vergel calling..

"Hello?"



"Ano yung text mo?hindi ka pupunta dito sa gym para manood?".nailayo ko pa yung phone sa tenga ko dahil sa sigaw ni Ace..nagsitalsikan ata luga ko dun a






"Oo urgent lang--






"So mas importante pa yan kesa sakin?so Seol Palensya kaya mong indyanin ako rito para lang sa urgent na sinasabi mo?!".hindi ko man nakikita ang muka ni ace pero hula ko nakataas nanaman ang isang kilay nito at anytime uusok ang butas ng ilong sa tindi ng inis







"Ay grabe sya magtampo o.hehe pero pipilitin ko namang makahabol saka nandito naman si vina na number one fan mo at patay na patay sayo..iche-cheer ka nya.tignan mo pinagpuyatan nya raw yung pompoms na ginawa nya para lang sayo,,saka ano ka ba hindi pa naman finals ng laro nyo kaya ayos lang kahit hindi ako makanood ngay--





"Bahala ka sa buhay mo,,tigas ng ulo mo!"






"Ace sorry na---*TOOT TOOT TOOT*





aish,,!!babaan daw ba ko,,nagtatampo siguro.ano ba yan?!tapos tinawag nya na ko in my full name kaya sigurado inis na yun







Hinarap ko na si vina dahil wala na sila third
"Vina mauna ka na muna sa gym,,susunod nalang ako may pupuntahan din ako pero babalik din naman ako agad or kung hindi na ko makahabol e ibalita mo nalang sakin yung nangyari sa practice!".






Tinatawag pa 'ko ni vina pero dire-diretso na ko sa labas,,agad akong dumaan sa likuran,,may mga barb wire doon kaya no choice kundi daanan kahit matinik






Pagkatapos ng pahirap na pag-ober-da-bakod e pinagpagan ko ang pantalon at damit,,may maliit akong hiwa sa kanang pisngi at mga braso dahil sa wire pero bahala na basta mahabol ko lang yung gulo at patigilin yun








Napahinto ako dahil sa mga ingay,,sandali akong nagkubli sa sulok saka sumilip at halos manlaki ang mga mata ng makitang bagsak na yung lahat ng goons except sa dalawa pang lalaki at si third,,ibig sabihin mag-isa syang nakipagbakbakan dun sa mga yun?e ang dami nun ah!






Halata kong nanghihina na sya pero nakaya nyang pabagsakin yung dalawa,halos magulat din ako ng papaluin ng lalaki ng talikuran si third kaya mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo at kumuha ng kapirasong kahoy







"Humanda kaaaaaaaaaa!",sigaw ng lalaki kaya napalingon si third,,nahampas ko yung ulo ng lalaki kaya bulagta na ito sa lupa at mukang nakatulog na






"Ikaw?!",,kunot na kunot na noo nyang sabi habang nakatitig sakin,humarap ako sakanya saka ngumiti





"Tang ina bakit ka ba nakikialam na ipis ka?!nagpapakamatay ka ba ha?!"








"Tss ikaw talaga mura ka ng mura,kaylan kaya kita makakaharap ng hindi ka nagmumura? crush pa naman kita pero nakaka turn-off 'yang bibig mo,puro mura ang lumalabas!",,nakanguso kong turan sakanya







Napakurap ako ng ilang beses dahil sa pagdoble nya,bakit para yatang nanginginig ang mga tuhod ko at inantok ako bigla?







"Third--







"PUTANG INA DUMUDUGO YUNG ULO MO!!,,SABI NA KASING WAG KANG MAKIALAM--







hindi ko na narinig ang pagsabog nya ng galit dahil tuluyan na 'kong nawalan ng malay sa sobrang sakit ng ulo

The Badboy And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon