MAD NO MORE!!

1.1K 51 1
                                    

(Seol's POV)

Huminga ako ng malalim habang paulit-ulit na nilulunok ang pagkahiya..narito na ko sa tapat ng bahay nila Ace at kakausapin ko sya dahil hindi pa talaga sya nagpapakita sakin.walang text o tawag sa school naman hindi pa kami nagpang-abot


Ng makatatlong pindot ng doorbell ay bumukas ito at tumambad sakin ang nag-iisang katulong ng pamilya Sicangco na repa pips ko no other than manang Sisa



Nagyakapan kami habang parang baliw na nagtatalon,niyaya nya ko sa loob kaya walang pagdadalawang isip akong sumunod



"Bakit ngayon ka lang dumalaw dito ha Seol?ang tagal na nung huli mong punta dito e..namimiss ko na yung chikahan natin".hyper na sambit nito,,nilambing ko sya ng aking warm hug habang nasa balikat nya ang ulo ko..para ko na kaya syang nanay pati si tita Candy na mommy ni Ace



"Kayo naman tampo agad,,may mga ginawa lang nitong mga nakaraang araw..saka may part time job po kasi ako ngayon kaya medyo konti nalang ang oras,,hindi na nga po ako nakakauwi sa apartment ko",nakangusong paliwanag ko sakanya


"Teka si ace ba ang pinuntahan mo?"


"Opo nandyan po ba sya sa kwarto nya?!"



"Oo..maghapong tulog yun kahapon at ayaw lumabas ng bahay,,nagtaka nga ko kasi hindi sya gumising ng maaga kanina para mag-jogging dyan sa park"..napatango na lang ako saka na nagpaalam na pupuntahan sya sandali at babalikan nalang mamaya si manang



Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ay tumambad sakin ang pawisang si ace na mukang kakatapos lang mag-threadmill,hindi pa nya napansin ang pagdating ko kaya tumingkayad ako saka sya niyakap sa likod,



"Hi ace!",masiglang bati ko



"Anong ginagawa mo dito!?".cold nyang tanong,,nyeh hindi ba sya nagulat na nandito ako?




"Grabe ang sakit ng ginagawa mo sakin a,,parang full volume ang aircon mo dito sa lamig mo.!",nakangusong turan ko sakanya sabay higa sa kama nyang napakalambot,,ganun talaga ako dito makapal ang muka,,kahit naman ata sa bahay nila third wala na kong hiya


Pumikit ako habang nakabukaka pa,,ng mapansing tahimik ay dumilat ako at nakitang nakatingin lang sya sakin habang nandun sitting pretty sa sofa,,may pagtatanong sa muka nya kaya nag-indian seat ako saka sya hinarap



"Look ace..i'm sorry kung hindi ko agad sinabi sayo yung about sa tuitor thing.hindi ko naman intensyong ilihim sayo kaso lang naging busy ako tapos nakalimutan ko ng sabihin sayo pero pramis may balak naman talaga kong sabihin yun sayo e..kaya please wag ka ng magalit sakin,,may dala akong ice cream kaso nilagay ko muna sa ref nyo kasi matutunaw ang init pa naman ng panahon.".



Still blangko lang ang tingin nya.,yung totoo?mukang gusto pa nya yatang lambingin ko sya?pwes humanda ka ace vergel



Dahan-dahan akong lumapit sakanya at lumuhod sa harap nya,nakangiting aso ako sabay hawak sa dalawang kamay nyang nasa armrest nung inuupuang sofa..niyakap ko narin yung tuhod nya at pansin kong napapakagat labi sya habang pinapaling sa ibang direksyon ang muka..alam ko na yan e malapit na syang bumigay,,konti pa Seol bibigay din tong si Ace



Minasahe ko ang mga binti nyang mahahaba habang hinuhuli ang tingin nya


"Sorry na Ace,sorry na~~patawaaad~~patawarin mo na kooo~~".pagkanta ko at pansing napapangiti na sya.tumayo ako saka sya muling hinarap ng may seryosong muka,maging sya ay napatitig narin sa muka ko



"Sincere talaga kong maging magka-ayos tayo,,ikaw lang ang nag-iisang lalaki sa buhay ko kaya ayokong may tampuhan pa tayo"



Nanatili lang kaming ganun ng ilang minuto,,nakatingala sya sakin at nakayuko ako sakanya,,bigla nyang hinila ang braso ko kaya napayakap ako sakanya,,nanlaki ang mata ko pero maya-maya lamang ay ngumiti na


"Hindi naman talaga ko galit sayo,,alam mong hindi kita matitiis diba?,kung magagalit man ako sayo aabot lang ng dalawang minuto.kaya wag mo na kong lambingin dahil matagal na kitang pinatawad.ang totoo nyan miss na miss na nga kita!".



Napahalakhak nalang ako habang himas ang ulo nya..kumalas ako sa yakapan namin at hinihila na sya sa braso kaya napapatayo narin sya




"Since bati na tayo halika,,kainin na natin yung paborito nating rocky road ice cream na binili ko para sayo,saka mag-movie marathon narin tayo"




Napapailing nalang sya habang tumatawa..
"Tss alam kong ikaw lang din ang makakaubos ng binili mong ice cream,para raw sakin pero sya ang tumitira!",sabi nya sa mahinang boses sa huli pero narinig ko parin,,hmp!!

The Badboy And IWhere stories live. Discover now