COLD SURROUNDINGS

1.3K 46 1
                                    


(Third's POV)

Naalimpungatan ako dahil sa pagtunog ng phone ko sa kabilang side ng table,,nag-angat ako ng muka habang kinukuskos ang mga matang sumasakit,,napasulyap ako sa digital clock at nakitang alas-tres na ng madaling araw,napakatahimik at lamig sa paligid kaya tumayo na ko at inunat ang mga nakangalay na binti at batok,,nakatulog na pala ako kanina sa mesa



Binuksan ko ang cabinet sa mesa at kinuha ang car key,,hinubad ko ang white coat at isinabit sa coat rack,,pinatay ang aircon saka na umalis ng opisina para ipagpatuloy ang pagtulog sa bahay



Habang naglalakad sa parking lot ay napahinto ako dahil sa paghampas ng hangin sa buong katawan ko,,nararamdaman ko na naman ang pamamasa ng mga mata at bago pa muling tumulo ang luha ay ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad papunta sa kotse ko..ng makapasok sa driver's seat ay niluwagan ko ang necktie dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga..mukang kaylangan ko na naman atang magpa-schedule ng check-up bukas sa personal psychiatris ko..




"Huy third diba sabi ko sayo wag mong pinapabayaan 'yang katawan mo!paano nalang kapag naging doctor ka na ng ganap?,naku sobrang ma-stress ka na nyan!"


"Kahit anong mangyari hindi ako aalis sa tabi mo.hihintayin kong maging isa kang ganap na doctor at kapag nangyari yun,isa ako sa mga magiging proud sayo at aalis ako sa buhay mo ng may saya sa labi,"


Naalala kong bigla noong umuulan ng malakas.nasa gitna kami ng kalsada,magkaharapan kami at noon tumulo ang dugo sa labi nya kasabay ng luha sa mga mata nya na nahahalo na sa ulan.sinuntok ko sya noon dahil sa inis na inis ako sa pakikialam nya sa buhay ko



"HINDING-HINDI AKO NAGSISISI AT NEVER AKONG MAGSISISI SA MGA DESISYON KO.!HINDI AKO GAYA MONG DUWAG NA NAGTATAGO SA DILIM AT DINADAAN SA DAHAS ANG LAHAT..AALIS LANG AKO SA BUHAY MO KAPAG NAPATUNAYAN MO SAKIN NA KAYA MONG MAGING MATAPANG SA MAGANDANG PARAAN.HINDI KITA IIWAN HANGGA'T GANYAN KA! AKALA MO PAKIKIPAG-BASAG ULO ANG SOLUSYON SA LAHAT?! HINDI 'YAN MAWAWALA SA INIT NG ULO MO SA HALIP MADARAGDAGAN PA NG MAS MALAKING GULO.GANITO KITA KAMAHAL THIRD..KUNG SA TINGIN MO WALA KA NG PAG-ASA PWES ISASAMPAL KO SAYONG NAGKAKAMALI KA!"




Napa-apak ako sa break ng wala sa oras ng muling umalingawngaw ang nakakabinging sigaw nya sakin noon..tandang-tanda ko pa kung gaano ako naririndi sa pakikialam nya sa buhay ko..halos ultimo lahat ng maling galaw ko may nasasabi sya.



"Third makinig ka sakin,,sa tingin mo ba matutuwa ang mama mo kapag nakita ka nyang ganyan?HINDI AT MAS LALO LAMANG SYANG MALULUNGKOT!".



"Ahhhhhhh tama naaaaa!",,sigaw ko habang tinatakpan ang magkabilang tenga,,walang tigil sa pagtulo ng luha ko,,wala na kong pakialam kahit nasa gitna pa ko ng highway




Nanginginig ang buong katawan at kamay ko habang kinakapa ang phone ko sa bulsa ng black pants pero leche!!naiwan ko pa ata sa desk sa opisina ko sa ospital

Tulong...hindi ko na kaya....Seol...i-iligtas mo ko...please.....

***********////*********


(Vina's POV)

"Ganun ba doc?!",tanong ko kay Dr.marquez..sya ang personal doctor ni third at narito kaming dalawa sa condo kung saan sya nag-stay,,ayaw na nga nyang umuwi sakanila,,sabagay wala naman syang maaabutan doon kundi mga maids,,dahil isang taon na ang nakakalipas simula ng pumanaw si mr,stefan..sobrang dinamdam ni third yun at nung mga panahong din yun wala na si seol dito sa bansa.hindi namin alam kung nasaan sya ngayon kaya nagkaroon ng tinatawag na traumatic disorder si third dahil sa sobrang stress at hindi kinaya ang sunud-sunod na pang-iiwan sakanya ng mga tao sa paligid



The Badboy And IWhere stories live. Discover now