Chapter 46

16.3K 622 296
                                    


Tyrant's POV

"Good work everyone!" sigaw ni Mama pagkatapos nyang sabihin na tapos na ang practice namin ngayong araw. "Tyrant, mauuna na akong umuwi sayo ah?" sabi nya sakin.

"Okay po!" sabi ko sa kanya. Nagpaalam na syang uuwi na sa buong team.

"Guys, ano balak?" tanong ni Samantha. Nag-ayos kami ng gamit tapos naglakad na kami papunta sa shower room. Sabay-sabay kaming naliligo pero hindi sama-sama, may mga cubicle ang shower room.

"Kain tayo sa food park." sabi ni Daily.

"Si Eloi bantayan ninyo, tatakas yan at pupuntahan si Kriza." sabi ni Janine.

"Ako bahala!" natatawang sabi ni Samantha.

Habang nag-uusap sila ay tinapos ko na ang pagpapaligo ko. Nauna akong natapos sa kanilang lahat kaya hinintay ko na lang sila sa labas ng shower room. Ang babagal naman kasing maligo ng mga 'yon. Nagdadaldalan pa tapos naghaharutan. Kaya nga umalis din agad ako dahil baka biglang pumasok sa cubicle ko.

Napatingin ako sa lumabas ng shower room. Si Eloi. Pinupunasan nya ang buhok nya gamit ang towel sa isang kamay nya habang ang isang kamay nya ay nakasuporta sa sport bag nya. Tumingin sya sakin pero saglit lang tapos naglakad paalis.

"Hey, wait! may lakad tayo ah?" pigil ko sa kanya. Well, kahit na girlfriend ko na si Samantha, hindi naman ganon kadali mawala ang feelings ko sa kanya lalo na palagi kaming magkasama at magkaibigan pa rin naman kami. Umiiwas lang ako sa kanya paminsan minsan kapag nahuhulog na naman ako sa kanya. Ayoko naman masaktan si Samantha dahil nagustuhan ko din naman sya kaya ako na din ang umiiwas kay Eloi.

"Sa labas lang ako." sabi nya. Tinignan ko sya ng panghihinala. Minsan na kasi syang tumakas.

"Uhuh! buti nahuli mo sya, babe!" napatingin ako kay Samantha. Mabilis na lumapit samin si Samantha kahit na may tumutulo pang tubig sa buhok nya.

"Punasan mo nga ang buhok mo. Basang basa pa." sabi ko sa kanya at kinuha ang towel nya at ako na mismong nagpunas non. Hawak-hawak ni Samantha ang kamay ni Eloi para masiguradong hindi sya aalis.

"Nahuli mo?" natatawang sabi ni Janine. "Tatakas ka pa?" pang-aasar ni Janine.

Napangiti na lang ako sa kanila. Wala naman nagbago samin nung naging kami ni Samantha, hindi lang lumakas ang asar nila sakin dahil si Samantha ang nadadali kapag inaasar nila ako kaya ang resulta, si Samantha ang naasar minsan dahil under daw sya sakin. Hindi ko naman sya ina-under, sadyang takot lang sakin si Samantha. As if naman ibre-break ko sya kung mapikon ako sa kanya.

Sabay-sabay kaming lumabas ng gym. Mas girlfriend pa kung titignan sina Eloi at Samantha dahil nakahawak sa pulsuhan ni Eloi si Samantha para lang hindi makawala. Nakakatuwa lang ang dalawang ito dahil sobrang close nila pero pagdating sa asaran, ang mag-buddy ay si Janine at Samantha. Kaming tatlo nila Daily at Monique ay tamang sabay lang sa kanila.

"Sino 'yon?" tanong ni Daily. Nakaturo sya sa gate ng Shakers camp. May nakasandal sa pader na babae. Nalaman ko na babae sya dahil sa mahaba nyang buhok kahit na medyo may kalakihan ang pangangatawan nya kumpara samin. Nakasuot na sumbrero na black at naka-jacket na itim ang babae. Naka-shorts lang sya pero naka-rubber shoes sya. All back sya.

"Hindi kaya magnanakaw yan?" sabi ni Janine.

"Kung magnanakaw yan, kanina pa sya pinaalis ng guard." sabi ni Eloi. Si Eloi lang talaga ang hindi marunong makisama sa mga banat nila Janine.

Nung medyo malapit na kami sa kanya ay doon ko nalaman na si Dite pala 'yon. Nagmamadaling lumapit ako sa kanya habang sinisigaw ang pangalan nya.

"Dite! namiss kita!" nakakawit ang dalawang kamay ko sa batok nya. Nakahawak naman sya sa bewang ko bilang suporta. Ang tangkad talaga ni Dite ngayon, dati mas matangkad pa ako sa kanya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now