Chapter 48

16K 698 393
                                    



Zaparta's POV

Sinalo ko ang bola na ipinasa sakin ni Marceline at tumakbo ako papunta sa ring para i-lay up. Nagwa-warm up kami ngayon para sa laban namin sa Miracle. Semi-Final at kung sino ang manalo samin ay syang makakalaban ng Meteorite sa Final.

Basta isa sa sikat na team ang maglalaro, dadagsaan talaga ng mga tao lalo na itong araw na ito dahil Dragon Empire at Miracle ang maglalaban. Mapupuno talaga ang buong arena.

Maingay at hindi kami ganon nagkakarinigan kung hindi lalakasan ang boses. Excited at kaba ang nararamdaman namin ngayon. Excited dahil nakaabot kami dito at kaba dahil Miracle ang makakalaban namin. Aware na ang buong Dragon Empire kung sino ang kalaban namin sa Miracle. Yun ay ang bagong captain nilang si Kennie. Sa lahat ng laban ng Miracle hanggang makaabot sa Semi-Final, hindi sya naglaro at nakinood lang. Hindi namin sure kung maglalaro ba agad sya o makikinood lang kaya medyo dehado kami.

"Dite!" narinig ko ang pangalan ni Dite nung napadaan sa gilid ko si Lulu. Hinabol ko sya ng tingin papunta kay Dite na nakaupo sa gilid ng court. Kasama nya ang Shakers team at pamilya namin pero mas nagulat ako kung sino pa ang isa nilang kasama.

"Mama Alicia!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Nakangiti syang sinalubong ako ng yakap. "You're here!" masayang sabi ko.

"Yes, I'm here now, anak." napangiti ako lalo at niyakap sya ng mahigpit. "Sorry kung ngayon lang ako nakauwi." umiling ako at umangat ang tingin sa kanya.

"Ayos lang. Alam ko naman na hindi mo agad mabibitawan ang Queer eh. Basta ang mahalaga ngayon, nandito ka na." sabi ko. Hinaplos nya ang pisngi ko. "Hindi man lang kayo nagsabi na darating kayo."

"Surprise?" natatawang sabi nya. Napanguso ako.

"Kailan pa kayo nakauwi?" tanong ko.

"Nakaraang araw pa." sabi nya. Napakunot ang noo ko. "Hindi ako nagpakita para hindi ka maistorbo sa practice mo."

"Kahit na." nakasimangot na sabi ko.

"Nako." sabi nya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Good luck." nakangiting sabi nya. Napangiti naman ako.

"Thank you!" muli ko syang niyakap ng mahigpit. Namiss ko sya. Kahit na saglit ko lang naramdaman ang mainit nyang yakap noon, namiss ko ang mainit nyang yakap sakin. Iba talaga kapag totoong magulang mo na ang kayakap mo.

"Alicia!" napatingin kami kay Ate. "Kailan ka pa nakauwi?" nagtatakang tinignan ko si Ate. Hindi nya ba alam na nandito na si Mama Alicia? "Hindi ka man lang nagsabi. Saan ka tumuloy?"

"Nagsabi ko at sa bahay ni Alexa ako nakitira muna." nakangiting sabi ni Mama Alicia. Nawala ang ngiti ni Ate at napatingin kay Ate Alexa. Natawa naman ako sa itsura ni Ate.

"Wala kaming ginawa." sabi ni Ate Alexa. Napatawa kami dahil wala pang tinatanong si Ate ay may sinagot na agad si Ate Alexa. Ang alam ko kahapon nasa bahay nila si Ate Alexa kaya siguro ganon na lang bigla ang reaction ni Ate.

"Hindi naman ako tutol sa threesome." sabi ni Ate. Nanlalaki ang mga mata namin sa kanya.

"Oh my god, Zoe!" natatawang sabi ni Mama Alicia. Napabitaw na nga sya sakin dahil sa pagtawa nya.

"Zoe, may mga bata." sabi ni Ate Alexa sa tono na nagbabanta.

"Hindi naman nila narinig." nakangiting sabi ni Ate. Busy ang dalawang bata sa cellphone.

Nagbibiro ba sya o seryoso sya? pambihira talaga itong si Ate.

"Hindi ko aakalain na maiisip mo yan, Zoe." sabi ni Mama Alicia habang pinapahid ang luha nya sa pagtawa.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now