Chapter 65

16.8K 801 558
                                    



Third Person's POV

Nasa loob ng office ng bahay nila Kill si Ashley. Dumalaw si Ashley para tanungin si Kill kung ano ang gagawin nila bukas lalo na wala si Kennie pero walang makuhang sagot si Ashley kay Kill dahil nag-iisip ito pero walang itong maisip na solution.

Kahit na nag-training si Ashley sa Dragon Empire, hindi nya pababayaan ang dati nyang team na Miracle kaya kahit anong pwedeng nyang gawin para tulungan ang Miracle na manalo ay gagawin nya.

"Kill, sumagot ka nga dyan." sabi ni Ashley. Bumuntong hininga si Kill.

"Hindi ko alam." sagot ni Kill at napahawak sa sentido. "Kung kailan final game na." mahinang sabi nya pero narinig iyon ni Ashley.

"Nakausap na ni Zoe si Kitty. Suspended ang tatlo miyembro nya." sabi ni Ashley.

"Dapat lang 'yon. Ginawa ni Kitty mapalinis ang pangalan ng Zebra Jacks tapos dudumihan ulit." sabi ni Kill. "Kung hindi lang na-injured si Kennie, hindi tayo mamomoblema ng ganito."

"Kill." pagtawag ni Ashley kay Kill. Tumingin sa kanya si Kill. "Hindi ba, hindi mo pa inaalis sa listahan ng miyembro ng Miracle si Dite?" tanong nito.

"Paano mo nalaman?" nakakunot na noong tanong nya. Silang dalawa lang ni Zoe ang nakakaalam na hindi inalis sa listahan ng miyembro ng Miracle si Dite. 

"Sinabi ni Zoe nung nasa Empire Island tayo. Tinanong ko kasi sya kung bakit umalis si Dite at nalaman ko rin na hindi ninyo inalis sa listahan si Dite." sabi ni Ashley. 

"Dalawang taon ng tumigil si Dite sa paglalaro. Hindi rin iyon masusulusyunan matalo ang Dragon Empire. Hindi na ganon kagaling maglaro si Dite." sabi ni Kill.

"Kahit na, gamit ang misdirection ni Dite at ang kawalan nito ng atensyon sa kanya ay posibilidad na manalo tayo." pagpupumilit ni Ashley.

"Kaya ni Lee gawin 'yon." iling na sagot ni Kill.

"Yun na ang point ko. Si Dite ang gagawa ng paraan sa bola at si Lee ang isa sa aatake. Masasayang ang galing ni Lee kung hindi nya iyon ipapakita at mananatiling anino." pagkukumbisi ni Ashley. Matagal na nakatitig sa kanya si Kill na binabasa ang pinapahiwatig nito. "Gawin natin shadow si Dite. Sa lahat ng Miracle, si Dite lang best option natin." dagdag nito.

Umiling si Kill. "May laro bukas si Dite." sagot nito. Sumasang-ayon sya sa idea ni Ashley dahil tama sya na si Dite lang ang pwedeng pumalit sa position ni Lee para maging shadow ng Miracle pero nababahala pa rin ito dahil matagal na itong tumigil. Matangkad na rin ngayon si Dite kaya madali syang mapansin.

"Ako bahala bukas. Susunduin ko sya. Makakahabol kami kahit na second half na lang." sabi ni Ashley na napatayo pa sa harapan ni Kill. "Kaya please lang, gawin ninyo ang lahat para hindi lumaki ang lamang ng Dragon Empire."

"Hindi ko masasabi. Nandon ang anak ko at si Zap." sabi ni Kill. Mas may tiwala si Kill sa dalawang nasa Dragon Empire.

"Basta, makakaabot kami ni Dite." pagpupumilit ni Ashley kaya wala ng nagawa pa si Kill.

Natapos ang laban ni Dite sa soccer pero hinila agad ni Ashley si Dite. Hindi na nya ito hinayaan pa hintayin ang last ceremony para award-an sila dahil mas kailangan si Dite sa Miracle. Naguguluhan si Dite sa nangyayari kung bakit bigla na lang hinila ni Ashley.

"Fasten your seat belt, Dite. Maaaksidente tayo sa sobrang bilis kong pagpatakbo." nakangiting sabi ni Ashley habang sinusuot ang seat belt. Napangiwi si Dite at tumingin sa Mommy.

"Just do it, anak. Kumapit ka rin ng maayos." sabi ni Alexa. Walang nagawa si Dite kundi magsuot ng seat belt.

"Ano po bang nangyayari at nagmamadali tayo?" takang tanong nya sa dalawang matanda.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now