Chapter 24

273K 6.1K 361
                                    

#ADMwp Chapter 24

Akala ko ay titigil na si Uno pero hindi niya pa rin ako tinitigilan. Palagi ko siyang nakikita sa labas kapag lunch break namin kaya naman minabuti ko na na magdala ng packed lunch.

Umuwi ako sa condo unit ko pero naabutan ko si Mama na nasa labas.

“Mama,” I said.

“Mira,” tawag niya sa pangalan ko. “Kausapin mo si Uno.”

Hindi ko alam kung bakit ganito. Alam ko naman na hindi niya ako anak pero itinuring ko naman siyang mama ko...

“Mama, hindi ko na po kinakausap si Uno... Wala na po akong balak na kausapin siya...”

Huminga nang malalim si Mama at tumingin sa akin. “Hindi siya makausap, hindi nagpapakita. Mira, ayaw kong magkaroon ng anak sa labas si Maicy. Alam mo ‘yan.”

Tumango ako sa kanya. Hindi ako anak ni mama. Anak ako ng kabit ng asawa niya. Nung namatay ang tunay ko na mama, inampon niya ako... Kahit na hindi niya ako anak, pinatira niya ako sa bahay nila, binihisan, pinakain, pinag-aral. Mabait si mama kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya niloloko ni papa... Ngayon, hindi ko alam kung nasaan si papa. Ang huli kong rinig ay may kabit na naman siya. Pero kahit na ganon, hindi galit sa akin si mama. Itinuring niya akong anak. Pinagamit niya sa akin ang apelido ng asawa niya. Ang sabi niya kasi sa akin, wala naman daw akong kasalanan. Hindi daw dapat ako mabansagan na anak sa labas dahil hindi ko kasalanan ang kasalanan ng mga magulang ko.

“Okay po, Mama...” sagot ko. “Kakausapin ko po si Uno.”

A Drunken Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now