Chapter 1

401K 5.6K 433
                                    

#ADMwp Chapter 1

Bakit naman kasi kailangan pa akong ipadala sa New Zealand para sa conference na ‘to? Alam naman sa office na magpapakasal ako pero ako pa rin ang ipinadala. Nakakainis naman talaga.

“Kailangan mo ba talagang umalis?” Uno asked. Kakagising lang naming dalawa at kanina niya pa ako pinipigilan. Alam niya kasi na ngayon ang araw ng alis ko papuntang New Zealand.

I pulled the sheets and wrapped it around my body.

“Oo nga... Ang kulit mo naman,” I said tapos bigla niya naman akong niyakap. “Babalik naman ako in two weeks...” I said habang hinahalikan niya ‘yung likod ng tenga ko.

“Please?”

“Uno...”

“Kailan mo ba ako magiging priority? Lagi na lang akong pangalawa sa trabaho mo,” sabi niya. Natawa naman ako.

“Para kang baby,” I replied.

“Baby mo naman ako, ‘di ba?” he said with a grin.

I turned around and then kissed him. “Oo nga, baby. Aalis si mommy para magwork pero babalik naman ako after two weeks. Pwede bang magbehave ang baby habang wala si mommy?”

He doubled over in laughter and then grabbed me. “Susulitin ko na habang nandito ka pa sa tabi ko,” sabi niya at hinatak ako pabalik sa kama.


A Drunken Mistake (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum